Hi guys!!! ang saya naman tingnan ng forum ang daming good news halos everyday nalang may PPR, IN PROCESS, DM at VISA ON HAND..
andito na kami ng anak ko sa Vancouver poe namin yesterday,mamaya flight namin to Edmonton medyo jet lag ata kami hindi mkatulog kaya naisip kong bisitahin kayo hehe
just want to share our landing experience...
1) Fill-apan ang declaration form na ibibigay sa plane
PAGKALAPAG NG EROPLANO SA CANADA (4:46PM)
2) baba ng plane, (sundan lang ang mga arrivals signs)
-sakay ng escalator pataas
-lakad ng konti
-sakay ulit ng escalator pababa
-isang pang sakay ng escalator pababa uli
3) Punta sa NEW IMMIGRANTS lane (nagtanong lang ako kung saan banda)
sa "new immigrants" lane, (1st immigration check) only passport and declaration form ibibigay mo sa officer (binigay ko pati COPR sabi nung officer "I ONLY NEED YOUR PASSPORT AND DECLARATION CARD") laki ng boses at mukhang strikto kaya kinabahan tuloy ako pero smile pa din ako sa kanya sabay "SORRY SIR" hihi
4) Pinapunta sa next immigration office kung saan may interview na with the officer, (konti lang tao kaya ako agad next)
me: hi sir! good afternoon
IO: hi! how many people arriving?
me: 2 sir...
ibigay ang:
PASSPORT/VISA
COPR
DECLARATION CARD
IO: so you're from the Philippines?
me: yes sir
IO: both are first timers in Canada?
me: yes sir
IO: I will ask you few questions based on the information you gave on your application, don't be nervous, just relax ..
me: Okay sir (nag start nang kabahan pero smile pa rin haha)
IO: so you're married?
me: yes sir! (big smile)
IO: and you're height is 154 cm?
me: yes sir
IO: have you been convicted in any crime or has any police records in your home country?
me: no sir
IO: have you been deported or discharged in Canada or any other country?
me: no sir
IO: so this is your first time in Canada?
me: yes sir our very first time!
then that's it! pinapirma na nya ako sa copr and sabi WELCOME TO CANADA! YOU ARE NOW OFFICIALLY PERMANENT RESIDENTS! they will mail our PR cards in 3-6 weeks daw...
pina punta kami ng officer sa other lane kung saan yung tumutulong sa first time immigrants... sabi naman nila 6-8 weeks darating yung PR cards namin..
total time sa immigration 30min Smiley kinuha bagahe, punta sa exit sabay bigay nung declaration card sa CBSA officer na nasa exit then excited na makita c hubby outside waiting for us!!
goodluck sa lahat ng naghihintay!! God bless you guys!! sana mkatulong sa papunta palang dito :* :* :*
ang lamig brrrrrrrrrrr lol :'(