Good evening sa inyo...
Congratulations sa lahat ng may visa na at sa mga waiting, darating din po yan!pray lang po...
First time ko magpost dito(nahihiya kasi ako magpost) although matagal na ako nagbabasa ng forum(sinimulan ko sa first page ang pagbabasa at nasa page 83 na ako maski papaano)....
May mga tanong sana ako,kung okay lang at sana may makasagot...wala sanang magagalit sa akin at sabihin na "bakit nde ako magbasa? tamad ako magbasa,e andyan lang naman ang sagot" etc.. Pasensya po uli.nagsearch ako,kaso walang masyadong topic tungkol sa case ko.Alam ko rin na maraming nakakaunderstand sa situation ng newbies, especially sa mga magffile palang.
Bale problema ko kasi ang name ko...ang pangalan ko sa birth certificate ko is " June" pero ang nasa credentials ko elementary at highschool(as of this writing) is "Juni"( one letter ang wrong spelling) kasi pinanganak ako ng panahon na hindi kailangan ang birthcertificate sa pagpapaenroll(inienroll ako lagi ng mga kapatid ko).hanggang university "Juni" pa rin ang ginamit ko. Nung mag aaply na ako para sa Board Exam ( 1-2 weeks before examination date-wala ng time para mapapalitan ang TOR at diploma) dun ko lang nalaman na "June" pala ang pangalan ko(never ko nahawakan ang bc ko saka i thought,with just 4 letters na name ko siguro naman nde na mawwrong spell).anyway, nakakuha ako ng board exam hanggang pumasa pero "Juni" pa rin ang ginamit ko hanggang sa magkawork kasi gumagamit ako ng affidavit.Lahat ng work certificates ko, trainings/certificates ko is "Juni" pa rin kasi sabi ko gamitin ko na lang affidavit ko.
Nagpaname change ako sa university last year kaya "June" na ang name ko sa credentials ko.Passport ko eversince na nagpagawa ako ay “ June “ ang gamit ko. Hanggang sa ikasal ako ,”june” na ang gamit ko at lahat ng inieenter ko sa transactions ko ngayon ay "June" na
Ang tanong ko, ano ang tamang gawin sa HS credentials ko?Hayaan ko na lang na “juni” pa rin ang name kasi ung university ko naman ay nabago ko na?Saka sa ibang documents ko na “ Juni” pa rin kailangan pa bang papalitan? I worry kasi na kapag nagbackground check na sila...
Any advise po? Ngayon palang nagpapasalamat na ako sa advise niyo. I have been procrastinating my application because of this conflict.
Thank you so much sa lahat.good evening uli...