+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
Send an email and ask them for the AOR.

criselda_0808 said:
i feel so worried its been 100 days but still no aor..ganun po ba talaga katagal?
 
hello crazyfrost

ano po ang timeline mo?
inside or outside canada po ang application mo?
 
hello po sa lahat,
Please I need advise po
Im inland applicant my WP mag eexpired ng May 2015
meron ba akong chance na makakuha ng OWP?
kc sa ngayun naka close WP po kc ako
kailan po ako pede mag apply ng WP?

Salamat po sa sasagot

GOD BLESS!!!!!
 
akoto345 said:
hello po sa lahat,
Please I need advise po
Im inland applicant my WP mag eexpired ng May 2015
meron ba akong chance na makakuha ng OWP?
kc sa ngayun naka close WP po kc ako
kailan po ako pede mag apply ng WP?

Salamat po sa sasagot

GOD BLESS!!!!!
FYI

http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/can-i-apply-for-open-work-permit-now-t241938.0.html;msg3517906#msg3517906

http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/does-approved-prov-nomination-replaces-lmia-to-continue-wp-application-t241660.0.html;msg3515729#msg3515729

Important things are:
1. Me AoR ka na
2. Valid WP set to expire in 4 months

However, depende kung paano mo nakuha ang eligibility mo sa PNP nomination mo.
1. Kung naging eligible ka for PNP under an employer-driven stream at me valid job offer ang employer mo kaya ka naging eligible, mas malaki ang posibilidad na Closed WP ang ibibigay sa iyo. Ito ay sa dahilan na kaya ka nakakuha ng nomination ay dahil sa isang job offer ng permanent, full-time position mula sa isang employer na nais i-retain ka at tutulungan ka ('sponsoring') maging eligible for PNP.

2. Kung wala naman job offer na nai-submit under ng PNP application mo, leading towards BOWP at open work permit ang maibibigay sa iyo.

.../atb
 
akoto345 said:
hello crazyfrost

ano po ang timeline mo?
inside or outside canada po ang application mo?
Mpnp
Outside cnda

Filed to cic: aug 18 2014
AOR: oct 2014
Med req: nov 11
Meds done: nov 15
Ppr: nov 25
Sent pp to cem: dec 3
Ppv: jan 9


Salamat sa lhat esp ky sir ragluf!!!
 
Thank you crazy frost for sharing your timeline!!!
 
Thank you ragluf
sa information nyo
Meron akong job offer at meron na po akong aor from cic
So meaning d po ako makakakuha ng open work permit kc nominatd po ako ng province with job offer?
So tanong po ulit kelan po ako pede mag apply ng new work permit?
 
akoto345 said:
Thank you ragluf
sa information nyo
Meron akong job offer at meron na po akong aor from cic
So meaning d po ako makakakuha ng open work permit kc nominatd po ako ng province with job offer?
So tanong po ulit kelan po ako pede mag apply ng new work permit?

Pakibasa yung mga links dun sa earlier post ko. Yung isa merong iba pang links na nakalagay ang requirements. Kung babasahin mo ng maigi as susundan ang nauna na mga naipost sa ibang mga threads - makikita mo itong link kung saan dito makikita mo ang mga requirements.
http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/can-i-apply-for-open-work-permit-now-t241938.0.html;msg3517906#msg3517906

Ang iniisip mo ay bridging open work permit (BOWP) - isang klase ng work permit na iginagawad sa mga may application na sa PNP pero malapit na ang expiry ng WP.

Ngayon sa tanong mo kung lalabas na closed/open work permit ang resulta ng isang BOWP application, intindihin mo muna na:
- Naging eligible ka sa PNP dahil sa job offer ng isang employer na nais kang kuning bilang permanente
- Ang inaashan ng employer na nagbigay sa iyo ng job offer ay pipirmi ka at mamamasukan sa kanya

Isang paraan ang employee-driven PNP stream upang punuan ang kakulangan ng mga trabahador sa industriya nila, kaya mas malaki ang panig na magiging closed work permit ang igagawad sa iyo - closed sa employer na nagbigay ng job offer kaya ka naging eligible for PNP. Eto na ang madalas nakikita sa mga nag-apply ng BOWP - nagbibigay ang CIC ng closed work permit sa applicant na naglilimit lamang na mamasukan sa employer na nagbigay ng job offer sa PR application. Kung open work permit ang igagawad, ano ang keseguruhan ng employer na nag-magandang loob na ibigay ang job offer para makapasok at makakuha ka ng PNP nomination, na papasok ka sa kumpanya nya? Nagkaroon na ng abuso na ginagamit lamang ng ilang applicants ang job offer upang makakuha ng open work permit, at pagkatapos lilipat ng kumpanya.

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng open work permit kapag:
- May WP ka at pumasok ka bilang TFW
- Nag-apply at ang PNP application/PR application mo ay HINDI BATAY sa isang employer-driven stream (walang job offer) (meaning CEC etc., o walang employer na nag-sponsor)
- At walang extension ng WP mo na magaganap BAGO mo makuha ang resulta ng PR application mo

Sa ganito, lalabas na ang sitwasyon mo ay maiipit ka na walang basehan na manatili sa Canada (walang extension ng WP o LMIA) nguni't malayo na ang narating ng processing ng PR application mo at maaring lalabas na ang resulta. Practical lamang na bigyan ng pagkakataon ang applicante na magkaroon ng legal na basehan na manatili sa Canada habang hinihintay ang nalalabing panahon na matapos ang PR application. Kaya mas malaki ang posibilidad na open work permit - bibigyan ang pagkakataon makahanap ng ibang trabaho ang PR applicant at magkaroon ng pamamaraan na ituloy manatili at sustentuhan ang pananatili sa Canada habang naghihintay ng resulta.

Sa tanong mo naman kung kelan - sundan mo lang at basahin ang mga naunang mga post ko - aabot ka dito.
http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/can-i-apply-for-open-work-permit-now-t241938.0.html;msg3517906#msg3517906

At maliwanag din dyan, tulad ng sinabi ko sa naunang post ko - "that is 4 months before your current WP expires."

Dito mo makikita ang requirements:
http://www.cic.gc.ca/english/work/permit/extend/permanent.asp

Paki-intindi muna ang mga nakasaad dito sa link sa itaas. Nariyan ang requirements - kaunting tyaga sa pagbabasa muna para maintindihan mo ang proceso at lahat naman nakasaad sa website ng CIC.

.../atb
 
Thanks a lot ragluf
:D
 
Hi fellow applicant,

I'm newbie to this forum. Nagsubmit na po ako sa CIO-NS sa PO Box address nila ng app namin last Sept. 20, 2014, with my payment via CC and until now no AOR yet. Nag inquire na rin po ako last Dec, 12 pero same reply ang natanggap namin ni criselda_0808. Worry lang po ako..ano na kaya nangyari..

Please add me in the PR Application timeline

Stream : FS
MPNP LOA : 6/30/14
Visa Office : Manila, Philippines
Mode of Payment : online Payment
Processing Fee :
Application Sent: Sept. 20, 2014
AOR: none yet


Thanks!
 
jmjj34 said:
Hi fellow applicant,

I'm newbie to this forum. Nagsubmit na po ako sa CIO-NS sa PO Box address nila ng app namin last Sept. 20, 2014, with my payment via CC and until now no AOR yet. Nag inquire na rin po ako last Dec, 12 pero same reply ang natanggap namin ni criselda_0808. Worry lang po ako..ano na kaya nangyari..

Please add me in the PR Application timeline

Stream : FS


MPNP LOA : 6/30/14
Visa Office : Manila, Philippines
Mode of Payment : online Payment
Processing Fee :
Application Sent: Sept. 20, 2014
AOR: none yet


Thanks!




hi same po tayo ako naman nagsend ng application on sept 23 nareceive ng cio sept 29 till now wala pa rin aor..and within 30 days pa sila magrereply sa query ko mageexpire na LOA ko next mo. i pray makareceive na tayo aor this mo.
 
Yes, I pray to God talaga for this one, kasi expired na LOA ko noong Dec. 30 pa at ang EILTS ko sa Feb. 13 na rin. Araw-arawin ko ngang inaabangan but we trust Him that AOR is on the way na...

To Sir Ragluf, need your thoughts po.

Thanks..
 
On the way na po yan. i-claimed nyo lang po.:) Yung last na kausap ko d2 sa forum pang Sept.16 sa CIO december 30 nya na received AOR nya. Malapit lapit na kau nyan.:) mukhang nag enjoy pa cla sa bakasyon.:)