akoto345 said:
Thank you ragluf
sa information nyo
Meron akong job offer at meron na po akong aor from cic
So meaning d po ako makakakuha ng open work permit kc nominatd po ako ng province with job offer?
So tanong po ulit kelan po ako pede mag apply ng new work permit?
Pakibasa yung mga links dun sa earlier post ko. Yung isa merong iba pang links na nakalagay ang requirements. Kung babasahin mo ng maigi as susundan ang nauna na mga naipost sa ibang mga threads - makikita mo itong link kung saan dito makikita mo ang mga requirements.
http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/can-i-apply-for-open-work-permit-now-t241938.0.html;msg3517906#msg3517906
Ang iniisip mo ay bridging open work permit (BOWP) - isang klase ng work permit na iginagawad sa mga may application na sa PNP pero malapit na ang expiry ng WP.
Ngayon sa tanong mo kung lalabas na closed/open work permit ang resulta ng isang BOWP application, intindihin mo muna na:
- Naging eligible ka sa PNP dahil sa job offer ng isang employer na nais kang kuning bilang permanente
- Ang inaashan ng employer na nagbigay sa iyo ng job offer ay pipirmi ka at mamamasukan sa kanya
Isang paraan ang employee-driven PNP stream upang punuan ang kakulangan ng mga trabahador sa industriya nila, kaya mas malaki ang panig na magiging closed work permit ang igagawad sa iyo - closed sa employer na nagbigay ng job offer kaya ka naging eligible for PNP. Eto na ang madalas nakikita sa mga nag-apply ng BOWP - nagbibigay ang CIC ng closed work permit sa applicant na naglilimit lamang na mamasukan sa employer na nagbigay ng job offer sa PR application. Kung open work permit ang igagawad, ano ang keseguruhan ng employer na nag-magandang loob na ibigay ang job offer para makapasok at makakuha ka ng PNP nomination, na papasok ka sa kumpanya nya? Nagkaroon na ng abuso na ginagamit lamang ng ilang applicants ang job offer upang makakuha ng open work permit, at pagkatapos lilipat ng kumpanya.
Malaki ang posibilidad na magkaroon ng open work permit kapag:
- May WP ka at pumasok ka bilang TFW
- Nag-apply at ang PNP application/PR application mo ay HINDI BATAY sa isang employer-driven stream (walang job offer) (meaning CEC etc., o walang employer na nag-sponsor)
- At walang extension ng WP mo na magaganap BAGO mo makuha ang resulta ng PR application mo
Sa ganito, lalabas na ang sitwasyon mo ay maiipit ka na walang basehan na manatili sa Canada (walang extension ng WP o LMIA) nguni't malayo na ang narating ng processing ng PR application mo at maaring lalabas na ang resulta. Practical lamang na bigyan ng pagkakataon ang applicante na magkaroon ng legal na basehan na manatili sa Canada habang hinihintay ang nalalabing panahon na matapos ang PR application. Kaya mas malaki ang posibilidad na open work permit - bibigyan ang pagkakataon makahanap ng ibang trabaho ang PR applicant at magkaroon ng pamamaraan na ituloy manatili at sustentuhan ang pananatili sa Canada habang naghihintay ng resulta.
Sa tanong mo naman kung kelan - sundan mo lang at basahin ang mga naunang mga post ko - aabot ka dito.
http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/can-i-apply-for-open-work-permit-now-t241938.0.html;msg3517906#msg3517906
At maliwanag din dyan, tulad ng sinabi ko sa naunang post ko -
"that is 4 months before your current WP expires."
Dito mo makikita ang requirements:
http://www.cic.gc.ca/english/work/permit/extend/permanent.asp
Paki-intindi muna ang mga nakasaad dito sa link sa itaas. Nariyan ang requirements - kaunting tyaga sa pagbabasa muna para maintindihan mo ang proceso at lahat naman nakasaad sa website ng CIC.
.../atb