Yup - should be fine. Yung ITR would be best if ilalagay mo is a few years apart. Let's say isama mo ang first year na nakalagay na ang child mo as dependent, then isama mo next is the ITR after 5 years, then the next is 10 years. Makikita me progression ng taon na nagdaan, and nakalista pa rin sya as your dependent. So it shows history. Dyan mag-match ngayon ang school records, kasi matatatahi yan - during the times na nasa ITR sya, kasabay din ng school records.
Ingat lang sa documents - iwasan me conflict ang info. Like I said, kung ang Baptismal at confirmation naman is taliwas ang pangalan sa BC, baka naman pagmulan na naman ng iba pang questions. So hindi paramihan ng docs din, kailangan consistency in conveying yung information na hinihingi sa iyo. In this case, proving parent-child relationship. So in support ng BC, ipila mo na ang mga government records (ITR, Philhealth), then personal records (HMO Card). Maganda sana ang Baptismal/confirmation certificate, kaso sabi mo mga me discrepancies ang pangalan, so maaring pagmulan na naman ng mga tanong na iniiwasan mo at this stage. Kung me way ka to explain the discrepancies, isama mo, pero kung wala, you have to decide kung kaya na tumayo ang supporting docs mo without the docs na me discrepancy.
..../atb