Magandang araw sa inyo, mga kaibigan kong nakaantabay
Nang Visa at Dm, na kaytagal ng hinhintay.
Yun iba’y meron na, yun iba’y wala pa,
Para san pa’t dun, din naman mapupunta.
Konting tyaga pa, kaunting tiis pa
Dadating din, inaasam na resulta
Wag kang mag-alala,pagka’t yan ay malapit na,
Kunting dasal pa, para sa patnubay ng Dios Ama
Matagal tagal din, ang yong hihintayin,
Mula sa pagpasa, hanggang sa mgkaresulta
Lima gang pitong buwan, iyang pagdurusa
Sa email mo abangan, sagot ng embahada.
Umpisa nang pagkaloka, si Ecas na di abala
Kala mo’y nakaprint na, at wala nang baterya.
Di gagalaw o magbabago, ni tuldok sa dulo
Umpisa na nang pagkaburyo, iwasan mo ito.
Antayin mo lang malapit na,pagdating ng yong Visa,
Pero wag ka munang umasa,kung DM e wala pa.
Intayin mong mag inprocess,at mgmedical received ka,
Tapos nun ay DM, Visa kasunod na.
Baka magtaka ka, may kakatok sa yong sala
Nakamotor sya at malamang, nakashoulder bag pa
Papipirmahin ka, at sisingilin ka,
Tyak na sukli;y di mo na kukunin, pagkat yon ay VISA na.
Sunod mong gagawin, kausapin si Asawa
Tiket ay ibili ka, nang sya’y makasama na
Tapos ay lipad na, magkita sa Canada
Second honeymoon ay,… siguradong tuloy na!