update lang.. nakuha ko na kanina visa ko sa embassy. thank God
pinakita ko sa guard sa lobby yung unang email, tas sinabi ko na mukang mali ang nailagay nilang date kasi wala work ng 17. sabi ng mamang guard, umakyat na ako sa 6th floor, mali nga lang ang nailagay na date. pagdating ko sa embassy sa 6th floor, tinawag ng guard sa telepono nung guard yung details nung email ko sa office ng embassy,. after a minute, tinawag na ako sa cubicle 11. tinanong nung babae kung di ko daw ba nareceive 2nd email nila sa akin na di nila ako macontact, sabi ko nareceive ko pero march 26 nagupdate na ako number sa case specific kaya bakit po ninyo ako tinawagan sa old mobile number. sabi nya lng tumatawag kami just to ask kung ok ba na before june 4 ay makaalis na ako,.sabi ko syempre naman. kinuha na nya passport at appendix a at 2 photos ko. pinabalik nya ako 3pm for visa release. pagbalik ko 3pm, madami na ako kasabay na kukuha visa, nandun pa nga husband ni raquels787, sya nakakwentuhan ko habang naghihintay. tas tinawag na name namin. pinacheck mga details ng visa at copr. tas lumabas na ng may ngiti sa labi.