Yes, super dami ko ng cases na nabasa na hindi talaga naging successful ang appeal. Almost all yata ng nabasa at kwentong narinig ko. Hiring an immigration lawyer is very costly and most of the time, they would give clients false hope. Alam naman nila na made-deny din eventually pero syempre income yan ba't nila tatanggihan.
Ang point, maging reality facer. Para hindi rin masayang ang panahon at pera sa kaka-appeal sa kaso na hindi naman winnable. Yeah, true na family yan. But CIC would always argue that if a family wants to be together, then they live together somewhere else other than Canada.
Madaming galit sa policy na ito ng CIC. Hindi raw makatao. But when we opted to apply for PR, we already subjected ourselves with their rules. It's their country, hence we should abide by their policies.
It's not as if ginipit nila tayo. Sa application pa lang, we were reminded na na pag hindi mo dineclare ang family members mo, mafo-forfeit mo na yung chance mo na ma-sponsor sila in the future. Very simple rule. Hindi ko alam why some Filipinos are still matigas ang ulo hehe, feeling nila that they can bend that rule later on. Tapos magpapaawa. Well here's some bad news, isa lang tayo sa napakaraming migrants ng Canada. Hindi tayo special hehe. CIC gives all of us a chance to be together. If we blow that chance by simply not listing down all our family members on that one specific form, I don't think na kasalanan pa nila yun.
I really suggest na kesa pilitin natin ang isang bagay, why not choose a more realistic option. Why not help that person (na gusto mong i-sponsor pero di nga pwede) find a job there instead? Para later on makapag-apply siya ng PR on his/her own.
Haha, hala nadala na ako masyado. Siguro kasi sobrang dami ko ng nabasa na ganito ang problema. Ayaw ko na isugarcoat ang opinyon ko hehe.