Hello co-engineers!

Mag 3 years na ako dito sa Edmonton, AB. Maraming engineering jobs na available dito pero usually, outside of the city(e.g. Fort Mac, Leduc, Calgary,etc). Kaso hindi pa ako handa mag move-out from my parents house, iniintay ko pa si hubby para may kasama ako.
About sa Engineer-in-Training, ni-refer lang saken yun ng uncle ko na EIT din. So sign-up ka lang sa APEGA website, pay $100 ata to assess your credentials, then they need 2 character references plus you have to submit your transcript of records and college diploma. 'Pag nameet mo yung requirements nila, you have to take an exam(parang board exam) para maging EIT.
Nahirapan ako kumuha ng engineering job at first, so nagwork muna ako sa fed govt para makaipon kasi plan ko sana magenrol next school year. Nag-start na ako mag-apply sa University of Alberta for the computer engineering coop. Yung coop option, 2 years ka magstudy sa school then yung last 2 years mo sa university, magwowork ka as a paid intern for a company. Usually, pag nasa coop program ka, karamihan sa students hindi na nakakagraduate kasi inaabsorb na agad sila nung employer nila. Luckily, I just got hired recently by a telecoms company so hindi na (ata) matutuloy pagbalik ko ng school next year.
Maraming career oppurtunities dito sa Canada most especially sa engineering field. Nakakaproud din na gusto nila ng mga Filipino applicants kasi masipag at hindi mapili sa trabaho.
P.S. Sorry, wala akong alam sa engineering associations sa QC at SK e.
Eto naman yung link kung san nyo pwede ipa-assess credentials nyo for employment/school purposes. http://www.cicic.ca/415/credential-assessment-services.canada