Hello po , totoo po yun may interview sa :
Immigration Canada -- pagland nyo dadaan ka sa Immigration officer ibibigay mo ang Passport at nakaipit dun ang Declaration card mo then tatanungin ka lang about sa mga sagot mo sa Declaration card kung may dineclare ka at sinagot na YES yun lang po be honest po sa mga isasagot di po sila nakakatakot don't worry.
CBSA (Canada Border Security Agency)-- after sa Immigration Officer ituturo sayo kung san ang next mo which is sa CBSA Office sa loob pa rin po ng Airport kung saan ang Port of entry dito sa Canada. Don't worry po pagpasok mo dun bibigyan ka lang ng number tapos hintayin mo na tawagin ang number mo then iready mo lang po yung 2 copies ng COPR at Passport kasi yung ang kailangan makita then itatanong lang sayo ng isa sa mga CBSA officer ang :
- complete address mo dito sa Canada
- telephone number ng Sponsor mo
- at tinanong sa akin yung mga questions sa COPR ko 2-3 questions yun so kung ano sagot mo nun Yes or No yun lang din sasabihin mo .
Don't worry po so far wala pa akong naririnig na nadeny . Basta kumpleto at dala mo mga Passport , COPR, Declaration card sa plane ibibigay yun at fill apan papunta dito sa Canada, make sure alam mo address, at cell number ng sponsor mo okay ang lahat at walang magiging problema relax lang po sa pagsagot sa mga itatanong mga basic questions at nasagutan nyo na po yun sa Forms yung nasa COPR at enjoy dyan sa atin ang mga natitirang days with your family at Have a nice trip at Welcome po dito sa Canada soon...