Just want to share this with you guys..
Nung nagpass kami ng asawa ko ng application sa Canadian Embassy pareho kami sobrang kabado. We were both thinking how long it will take bago ulit kami magkasama and magkita at kung maa-approve ba yung visa nya. Kinakabahan din kami kung maniniwala ba yung Visa Officer sa storya naming dalawa at isa pa sobrang bata pa namin (22 years old lang kami pareho but we were together na since Grade6 pa lang). Alam naman natin lahat na sobrang mahirap at nakakalungkot talaga ang magkalayo. December 2011 yun nung nagfile ako sa Canadian Embassy ng sponsorship for him. At since malapit na magchristmas sabi namin pareho kukumpletuhin namin yung Simbang Gabi kasi meron din naman nun dito sa Canada, and so we both did! Umaasa kami pareho na after makumpleto ang Simbang Gabi ay magwish na sana walang maging problema sa papers namin at sana hindi na matagalan pa. Wala na kami pakialam kung totoo ba yung mga wish na ganun pero sa mga panahong yun tanging wishes and prayers lang ang kasama namin sa journey na to. Hanggang sa paunti-unting nagkakaron ng updates sa papers, sabi namin mukhang effective nga yung wish sa Simbang Gabi, pag attend ng mass, pag attend ng Novena, at pagdadasal. Pero syempre habang pina-process yung applications hindi din naman maiiwsan yung moments na pareho na kami frustrated kung kailan na ba sya makakapunta dito at minsan nga umaabot pa sa tampuhan at awayan pag naguusap kami. But I guess ang mas nakatulong samin ay yung matibay na faith kay God at love namin sa isa't isa para malampasan ang lahat. Hanggang sa eto April na at lagi namin dinadasal na sana birthday gift na lang ni God sa kanya ay yung ma-grant yung Visa nya papunta dito.
At sa wakas.. this is it! Canadian Immigration issued his Visa last April 17, 2012 (my hubby's birthday!). Sobrang naiyak ako kasi sa wakas natupad na lahat ng dinasal namin. We are both super happy!
Hindi ko po isinulat ito para mang-inggit sa mga wala pang Visa at sa mga naghihintay pa din. Ginawa ko po ito para maka-inspire sa lahat na totoo pong tinutupad ni God ang mga dasal natin. Kailangan lang natin maghintay at tibayan ang faith sa kanya. Sabi nga diba "Good things come to those who wait". Kaya wag po kayo mag-alala kasi in God's perfect time, makakasama nyo din ang mga loved ones nyo.
Salamat po sa lahat ng mga tumulong sa akin sa forum na ito and in return, I promise to pay it forward. Sa mga kailangan din ng tulong hindi ako magdadalawang isip na sagutin ang mga tanong nyo kung alam ko naman para at least sa ganong paraan ay makatulong din ako.
God Bless and Good Luck to all of us