thanks for sharing your experience!kismet23 said:Hi everyone!
My baby and I finally landed yesterday! Ang haba ng flight kaya nakakpagod. Buti behaved yung baby ko at kasama ko mom-in-law ko kaya, di masyado mahirap.
Sa Pilipinas, pinakita ko lang passport namin. Yung 2 passports ng babyko. Nagmura pala yung terminal fee, ngayon Php550 na lang .
After nun, dumating kami Korea, we had a 6-hr stop over pero nagstay naman kami dun sa lounge ng prestige class. ( binigay ito ng agent kahit na economy class lang kami). May food dun at lazyboi chair para makapagpahinga ng maayos.
Nung nagland na kami sa Toronto, inabot kami ng 2 hours bago nakalabas. Yung hubby ko at dad-in-law inip na inip na sa labas. Pagdating, binigay ko lang sa customs yung prinipare na form sa flight. Isang household, isang declaration. Kaya kasama sa declaration yung gamit ng mom-in-law ko. After nun pila sa immigration. Tinanong lang ako sa name ng asawa ko, work ko kung may dalang pera. Lahat ng documents prinesent ko sa immigration (passports, COPR, Customs form, citizenship card ng baby ko). After nun may madadaanan na babae na magbibigay ng maraming kit at brochures. After nun baggage claim, yung gamit na nga lang namin natira sa carousel. Try to have cash kasi 2CAD yung isang trolly na maliit. Pag gumamit ng malaking trolley na parang ginagamit sa hotel sa laki, by the number of bags/boxes ang bayad. Inabot yung sa amin ng CAD14 , 5 boxes and bags kasi.
After nun medyo mahigpit sa customs especially sa first time immigrants. Idadaan sa xray lahat ng gamit. Tinatanong din isa isa laman ng gamit. Kung may infant formula declare nyo lang , they will allow it pero pag iba dairy products , big NO yun. Wag kayo magdadala ng mga reno, corned beef , chicharon at ibang meat products kung ayaw nyo mapabuksan lahat ng gamit nyo. 200 sticks lang ang cigarette allowance at 1.14 liquor or 1.5 alcohol. Declare nyo yan kung ayaw nyo magmulta ng malaki plus magkarecord pa. 600 sticks fdala namin pero dineclare ko lahat, dapat 400 sticks lang allowed pero dahil cute daw baby ko, pinalusot nya kami.
Pagkalabas namin, babayaran na yung charge sa trolley. Naghihintay dun yung hubby ko at dad-in-law ko. Kailangan ng 2 kotse kasi madami gamit. Ang lamig! Dala lang ng hubby ko coat , gloves at bonnet para sa akin. Yung sa baby ko dala na namin. Ang lamig, pati mukha ng anak ko tinakluban ko na ng blanket. Ang nilakad lang namin mula exit ng airport up to the parking lot.
Ang saya makita na magkasama na din yung mag-ama ko. Happy kami , happy din si baby. Favorite nya makipaglaro s Papa nya.
Sana lumabas na din mga visa ng mga naghihintay para masaya tayong lahat.
sarap naman ng valentines mo...happy family!
God bless u always!!!