nester
Hero Member
- Aug 12, 2011
- 11
- Category........
- Visa Office......
- CEM
- Job Offer........
- Pre-Assessed..
- LANDED..........
- toronto/2015
hellomoto123 said:Meron po akong mga tanong, sana po may makatulong sumagot at magbigay ng linaw. Un link sa taas po ba ang pinaka updated na Appendix A para sa family class?
At pwede po ba itong copy ng form ang gamitin? Kung may scan copy po kayong mas malinaw pwede po bang makahingi? Kelangan po bang isama ang Application # (FXXXXXXXX) sa pag sagot ng Appendix A?
Wala po kasi natanggap ang misis ko na sulat galing sa embassy at wala din pong bumalik ng sulat sa kanila. At hinihingi po sa misis ko ang Appendix A at ang passport niya. Di po namin alam ang kanyang Application # maliban sa Application # na nakalagay sa sulat na natanggap ko dito sa Canada. Iisa lang po ba ang Application # ng sponor at sponsoree?
Maraming maraming salamat sa inpormasyon na maibibigay ninyo.
Kontakin nyo po ang cem at baka malagay kayo sa alanganin pag sa mga advice lang dito kayo nagrely. Tama po na dito makakakuha kayo ng idea at advice pero bawat aplikante may specific instructions at deadlines ang embassy. Paano po hiningi ang passport? email, tel call....? Alamin niyo kung may ipinadala sila dahil yun ang official basis ng processing. Irequest nyo na ipadala sa email ang copy ng sulat para makapagrequest kayo ng extension kung gipit na ang deadline na nakasulat dun.
Ang iba nagpapadala ng passport sa drop box at ok lang naman. Pero sa case ko nilagay mismo sa PPR na hindi sila tumatanggap ng passport sa dropbox, ipadala ko raw sa courier. Iba na po ang sumusunod sa instruction at baka kasama sa evaluation nila kung marunong kayo sumunod.
May sariling file/ref number ang pinoprocess ng CEM. Kaya yung inisponsoran niyo iba number niya.