+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
Annie_Annie said:
Guys tanung lang,

nakabook na kasi ako kanina lang manila-tokyo-toronto. ni email na sa akin ng travel agency yung Itenerary i print ko lang daw yun at i present ko sa CEM, kaso sa monday ko pa sya babayaran pagkakuha ko ng visa. ok na kaya yon di kaya ako ma question sa CEM kasi di pa bayad, pero sa Itinerary confirmed na sya.. Ano sa tingin nyo guys? TIA!!! ;)

Hi Sis! nakikita na ba name mo sa online site ng airline? nabigyan ka na ng ticket number? kasi I used to work sa travel agency ng friend ko and hanggat hindi pa talaga bayad, hindi pa talaga confirmed un. Madali lang kasi mag-issue ng itinerary... Unless friend mo ung travel agency, hehe or ok lang with CEM na itinerary lang ang ipresent mo sa kanila. If I am not mistaken, I read earlier from this forum na CEM might check online kung naka-book ka talaga...
 
wants2bw/myhubbysoon said:

HI sis! oo nakikita ko kapag nagcheck ako ng sa Japan airlines tapos nandun na rin hanggang toronto. yung ticket number hindi pa reservation number lang sabi kasi ng cem booking certificate lang daw provide ko. nun ni book ko sa travel agency binigyan ako ng option date whole day ng monday mabayaran ko or else macancel daw yon. so sabi ko bayaran ko naman pagkagaling ko ng cem kasi maaga 8am yun. tapos sabi nung agent anu daw ba need ng cem sabi ko booking certificate tapos sabi nung agent i print ko lang daw Itinerary kasi yun din daw yun booking cert na sinasabi.kaloka ito!hehe! yun concern ko lang kasi baka sabihin ni cem o di pa bayad to bayaran mo muna..hahaha! maloloka na ko... ;D ;D ;D
 
ah oki. at least makakasama mo na hubby mo soon. ;D
 
Annie_Annie said:
wow good sign yan..ako halos mag 1month nawala address ko at pag balik the same day tumawag ang cem for pick up na daw visa ko.
in process pa rin ecas ko till now.. ;D
Happy waiting everyone!!! ;D ;D ;D ;D

hay sana nga. thank you. ;D ;D
 
Annie_Annie said:
Guys tanung lang,

nakabook na kasi ako kanina lang manila-tokyo-toronto. ni email na sa akin ng travel agency yung Itenerary i print ko lang daw yun at i present ko sa CEM, kaso sa monday ko pa sya babayaran pagkakuha ko ng visa. ok na kaya yon di kaya ako ma question sa CEM kasi di pa bayad, pero sa Itinerary confirmed na sya.. Ano sa tingin nyo guys? TIA!!! ;)

@ annie_annie

ganun talaga sis ang travel agency nag sesend ng itenerary ng flight mo.. pero its not your confirmed ticket kasi di mo pa nababayaran..
tokyo stop over mo?? mahaba habang lakaran yan.. pag ka hatid ng bus sa terminal 1 ang check in ng Air canada if aircanada ka sa dulo malapit sa tube or sa number 42!!
 
ok na yun kahit di pa confirmed. gusto lang makatiyak ng cem na makakaalis ka. kasi kung fully booked lahat ng airline at naexpire ang visa sisisihin sila. Ngayon kung nakabook ka at dahil di mo binayaran ay nacancel, then naexpire ang visa mo e di na nila kasalanan yun. Magaapply ka uli from step 1.
 
wants2bw/myhubbysoon said:
Just checked my ecas now. nawala ung address ko. kahapon nagshow up sya tapos ngayon ay wala na ulit. :o

WOW! malamang bukas Dm ka na sis wants..God bless po...
 
redtag said:
WOW! malamang bukas Dm ka na sis wants..God bless po...

Magdilang anghel ka nawa, Sis! ;D
 
KMAEP said:
@ annie_annie

ganun talaga sis ang travel agency nag sesend ng itenerary ng flight mo.. pero its not your confirmed ticket kasi di mo pa nababayaran..
tokyo stop over mo?? mahaba habang lakaran yan.. pag ka hatid ng bus sa terminal 1 ang check in ng Air canada if aircanada ka sa dulo malapit sa tube or sa number 42!!

Hi sis KMAEP, pero sabi ni agent ni book na daw nya ako at nung ni chek ko naman online nandun yun name ko at flight details basta lang daw pay ko on monday kasi macancel daw yun basta daw print ko lang at show it cem.. ;) thank you pala jan advise at makapag ready na ng flat shoes, hehe! opo aircanada ako. :) tnx sis!
 
nester said:
ok na yun kahit di pa confirmed. gusto lang makatiyak ng cem na makakaalis ka. kasi kung fully booked lahat ng airline at naexpire ang visa sisisihin sila. Ngayon kung nakabook ka at dahil di mo binayaran ay nacancel, then naexpire ang visa mo e di na nila kasalanan yun. Magaapply ka uli from step 1.

Hi nester, naku sana nga ok na yun, sigurado naman na bayaran ko talaga eh. pagsinabi nila na bayaran mo muna ay naku walang tumpik tumpik at babalik talaga ako the same day.hehe! thanks po naway maging maayos ang lahat... :)
 
wants2bw/myhubbysoon said:
hay sana nga. thank you. ;D ;D

WOW sis annie you have VISA na, CONGRATS sis, grabe kung nkasabay pla ako ng submit before sana magka-batch tyo sis huhuhu, sana soon kme nman... ;)
 
Another week pa ulit :) God bless sa ating lahat na waiting :D
 
hi everyone! Im new here. I found this forum very helpful for me. Hindi ko lang alam kung natanong na to pero how do you present the pictures, boarding pass? do i have to paste it in a bond paper? thanks.. and many more question to come..
 
rvzy said:

What we did for our application was put all our photos in a Word document and put all the captions underneath, who's in the photo,
where and what occasion. For our boarding passes, we also included it in the set of photos, but I used plastic photo corners that hold
boarding passes in place. We thought it'd be easier for the visa officer to review our photos than putting all photos with descriptions
at the back in envelopes.
 
rvzy said:
hi everyone! Im new here. I found this forum very helpful for me. Hindi ko lang alam kung natanong na to pero how do you present the pictures, boarding pass? do i have to paste it in a bond paper? thanks.. and many more question to come..

original prints lang po padala nyo dahil ang computer prints ay para ding xerox at pwedeng madaya/maimbento using photoshop software. At yun naman ang instruction...only original documents and certified copies.

You can glue/tape corners of pics sa bond paper, maybe 2 pics per sheet. In your handwriting put dates and captions below. The older the picture the better. Buy "clear file" folder from the bookstore and insert the sheets. Back to back naman yun. Wag na po yung boarding pass kung wala naman kayo pangalan dun.

Di naman kailangan masyado marami. Ang mahalaga ay meron ilan or kahit isa lang at least every year to prove continuing relationship. 100 nga yung pics kung kinuha naman sa isang birthday party lang e bala wala din yung dami.