@ kmw
maraming naging problema sa amin sa simula pa lang. Nag work kasi ako sa Thailand bago kami kinasal dito sa pinas. Pinaubaya ko lahat lahat ng preparation sa wedding sa kaibigan ko. Then yon pala, my typo errors yong marriage contract namin at hindi kaagad na register. Gumawa uli ng bago at pina sign sa amin dalawa, nakabalik na si hubby sa canada at bumalik din ako sa thailand para taposin ang contract. So late registration ang marriage contract namin at 1 year pa bago makuha ang NSO certified Marriage contract.
So while waiting sa NSO, bumalik ako sa Korea para mag turo din duun. Pagbalik ko, nag take ako ng LET at naka pasa naman. Nag decide kami ng hubby ko na mag aral ako dito sa pinas. International graduate school naman pinasukan ko at may international accreditation. Tried to get that degree kasi nasa ESL/EFL teaching ang field of interest ko. Kaya lang medyo natagalan dahil sa thesis writing. But I'm determined to finish my paper kasi laking tulong din. Kahit mahirap maghanap, who knows I can get a teaching job sa Canada.
Noong nahihirapan aka sa sitwasyon namin ng asawa ko, dami kong natutunan. Isa na doon yong kung paano maging supportive sa iba na may mga problema din.
Sa paper naman, before ako nag aral, we hired a representative to do the immigration application for us. Kaya lang, di nya ginawa trabaho nya.
June lang kami uli nag apply. Hoping na, pagnaka defend na ako ng thesis ko, magka visa na rin ako. My hope is to get my visa within this month. Sana.
Kaya mga sis, kaya natin to.
June lang