Congratulations sa mga nagkavisa! Nasa Winnipeg na nga pala ako landed last May 16, 2014 so far ok naman 1 week pa pang ako dito nakuha ko na ang SIN, health card at nakapag open na din ng bank acct then nakapag enroll na sa Manitoba start orientation yun for new comers free lang naman.
Payo ko lang sa mga magbabyahe piliin nyo yung matagal ang layover yung sakin kasi 6 hours pero di ko naramdaman dahil mahaba ang pila sa immigration sa Vancouver. From Philippines pagdating nyo ng Vancouver kuhain nyo muna ang bagahe nyo then iiwan nyo sa labas ng immigration yun lahat, ang dadalhin nyo lang is yung handcarry nyo. Simple lang ang tanong sakin kung ilang taon na ang husband ko, purpose ng travel ko at kung may anak na kami so more on personal questions lang after nun checkin nyo na ulit bagahe nyo then ready for the next flight kung meron man, 2-3hours nga pala akong naghintay sa immigration kaya tama lang ang layover na 6hours para safe. Thank you sa lahat dito sa forum.