Hi All.. September 2012 applicant here. Eto, dahil hinintay nila magexpire ang medical ng mga anak ko bago nila harapin, e re-med ang hinihingi ngayon. June 03 pa nasa kanila ang passport ng mga bata, wala naman ibang problema masabi. Such a waste of time and money. Tapos mageexpire pa ang passports ng mga anak ko by June 2014. Di ko mapa-renew sa kakahintay sa kanila dahil baka bigla na lang hingin noon at ngayon naman e ilang bwan na nakaipit sa kanila.
Anyways... matanong lang kung meron makakasagot.... sa listahan ng mga pagpapa-medical-an, alin kaya ang most recommended? Yung wala na masyado problem at ung di na ako pagkakakitaan pa dahil pabalik balik.
Sa lagay na to, panibagong taon pa siguro ang hihintayin ko. Pasensya na, inis na inis na lang kasi ako sa walang kwentang pagpapahintay, wala naman sinasabing problema sa application.