Hi! Ngayon lang po ako ulit naka-visit sa forum na'to. Dati, dito ako pumunta dahil sa sponsorship na in-apply ng mother ko under live-in caregiver sa aming 2 ng tatay ko. 2008 ng-apply sya, at nakarating kame dito sa Canada ng 2011.
Pero ngayon, gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo regarding Spousal sponsorship!
May plan akong umuwi ng Pinas this year at pakasalan ang girlfriend ko, civil wedding. May konting idea lang po ako sa application. May isang tanong po sana ako at gusto ko malinawan.
Kelan po pwede magpa-medical exam ang gf ko? Isasama na po ba yun sa pag-file ko ng application o magfile po muna at hintayin ko ang reply ng immigration bago magpa-medical?
Umpisahan ko na basahin ang thread na'to at alam ko marami akong maututunan.