Last year pa po ako umattend May 28, 2011 sa pagkakatanda ko pumunta po ako dun after lunch tapos nakalabas na po ako dun ng around 4pm , 1hour po sa panonood ng video ng Magandang Gabi Bayan Video sa taas old house po sya, binigyan kami ng mga pamphlets tapos may magdidiscuss pa pong Representative ng MetroBank, after may interview pa sa baba may mga long table dun din iniinterview po. Iba po kase ang case ko umattend po agad ako ng maaga kasi need ko po nun ng Certificate yung blue at mint green na galing dun para sa DFA for changing my status sa Passport ko po. Pero kailangan pa rin po nun para sa CFO sticker na ididikit din po sa Passport . Babalik nalang po ako dun pag may VISA na raw po ako at dadalhin ko nalang po yung Cetiicate to let them know na nakapag Guidance & Counseling na po ako.
Kung province pa po manggagaling ang behalf nyo papuntahin nyo nalang po sa malapit para mag check in sa mga hotel or motel for more convenience. Meron po dun na SOGO hotel tabi mismo ng North Edsa MRT station kung dun po siya mag iistay bago umattend ng Counseling mas convenience kasi po paglabas nya ng SOGO hotel kalsada na po maraming taxi at sobrang lapit na po sa CFO Q.C. Pero nasa inyo pa rin po iyon kung gusto nyo lang po.