Hello everyone. Share ko lang landing experience ng hubby ko:
Bago sya umalis ng Manila, nafill out na nya yung B4 forms. Wala naman syang masyado dala bukod sa personal clothes at konting pasalubong (dried foods/snacks). Nagkaron ng mandatory luggage check. May lock yung luggage nya pero hindi nya ni-lock, pero sinira yung lock ng luggage nya. Intact naman lahat ng gamit nya sa loob ng bagahe, dahil may secondary lock/band naman around sa luggage nya. Madali lang ang naging process sa immigration office. Tinanong lang sa kanya kung immigrant sya, anong purpose ng travel nya, sino ang pupuntahan. Then pinirmahan na nya yung COPR sa harap ng immigration officer. He was advised that his PR card will come in the mail in 4 weeks.