Sa mga curious:
Nakalagay sa GCMS notes namin na nun nareceive ng CEM ang application, 2 days after nagpadala na agad sila ng PPR. Tapos 5 days after natapos na nila ang initial screening. Tapos sunod sunod na Criminality and Security Checks, meron dates na binuksan nila ng February at March. May mistake sila nagawa nun March pero nacorrect din that same day. Basta ang nilagay nilang deadline eh April 2012, para siguro sa pagcomply namin sa mga needed docs na sinabi nila sa PPR. After nila mamake sure na complete na, ni-revisit nila ulit ung file namin nun May 30 at dun na nila sunod sunod inupdate na PASSED lahat ng checks na ginawa. Meron din nakalagay na note under Medical na "no identified health condition. no surveillance required." Tapos sa status nakalagay PASSED. Yung GCMS notes were generated on June 16. Kaya hindi pa kasama dito yung DM status. Pero puro PASSED nga ang nakalagay and walang for closed review na nakalagay sa notes. About sa relationship namin, dun sa OBSERVATIONS part nla: nakalagay kung kelan kame nagcohabit. Tapos kung kelan kame nagkakilala. Kung kelan nagpropose asawa ko. Kung anong mga proof na pinadala namin, kung anong dates ng proofs like ung samin nakalagay don "noted cards since 2008. remittances since 2010. "