Hi Scout
Tanong lang po, directly ka ba nagsubmit ng TOR mo sa UBC and hindi na gumamit ng assessment agency like WES or IQAS?
I'm currently working sa Singapore as Finance Lead, pero Management graduate sa Pinas. Gusto ko sana ipursue na maging CPA and still undecided kung dito ba sa SG or sa Canada ako mag aaral.
Nag check ako sa SAIT, under Diploma in Business Admin, kailangan ng assessment from WES and if tama ung pagkakaintindi ko, hindi lahat ay credited ng CPA Canada.
I've read your post, and gusto ko din icheck UBC DAP if qualified ako to apply for the course, kaso laking gastos kung both SAIT and UBC eh mag susubmit ng assessment to WES.
Sorry po sa late reply, medyo super depressed lang nitong mga nag-daang buwan, adjusting to my new routine at nanibago sa UBC at Accounting, hehehe. Sa awa ni Lord naka-adjust na rin ng paunti-unti. Yes, sinubmit ko po sa UBC directly ang aking transcripts at diploma. Di nila kinikilala ang WES. Sila mismo nag-assess sa mga documents. May listahan sila ng schools sa Pilipinas na recognized nila. Kailangan may Masteral degree mula Pilipinas para ma-satisfy yung requirement nila na dapat college graduate tayo bago tanggapin sa program. But I think mas lenient ang SAIT.
Thank you!