Hi Giogenre. Nakikita ko mga posts mo before sa lbautista forum. Sayang naman ung previous application mo. Anyway I'll try to answer your questions. Ung mga isasagot ko sayo based ito sa mga nababasa ko sa cic website and sa iba iab forums sa mga may experienced na mga international students:
Questions:
1. ano bang dapat kong kunin, Masters ba? ilang taon ba Masteral? Anong course ang maganda?
Kung graduate ka sa University sa atin, it's better to get Masters na lang. It depends din kasi. May mga ibang pinoy na kumuha naman ng diploma kahit naka graduate na sa atin. Pero sabi nila para mas maganda ung chance mo for student permit and kung ayaw mo mag risk, it's better to go for Masteral Degree. Ang lam ko, one year pag mag master ka. May isang member dito, wife nya masteral kinuha, one year lang daw. I guess it depends na dins a school un. But since may isang member dito na one year lang wife nya, I guess pwede ka kumuha ng one year or better check yung school na gusto mo pasukan. Kung ano course maganda? Ung kukunin mo should match your degree sa atin. Kasi isa sa mga reason bakit na deny pag di related ugn course na kinukuha sa Canada and sa degree dito and work na din. SO kunwari IT work mo, graduate ka din ng IT, dapat ung kukunin mo na course related sa IT.
2. Anong school ba ang advise nyo enroll-an ko? Malapit sa Scarborough area Toronto.
Ang lam ko lang na school na malapit sa scarborough ung centennial and seneca. Pero kugn mag masteral ka kailangan ata university ang pasukan mo. Kung gusto mo mag work sa loob ng campus or outside campus at kung may asawa ka at gusto mo sya mabigyan ng open work permit, dapat ung school mo public funded sya kunng private naman, kailangan non profitable sya, ung nag suuport sa kanila ung government ng 50%.
3. Planning to work while studying, dapat ba COOP yung school?
ang CO-OP is like OJT sa atin, pero sa Canada with pay sya. It depends din kasi sa school eh. Kung target mo ontario, may mga colleges dun na ang may CO-OP lang ung gma 3 yearc ourse, meron din ako nakita na kahit 2 year course may CO-OP din, pero nasa northern part na ng ontario un. mga north east. Pero kung target mo sa malapit sa scarborough, may mga CO-OP lang sila ung gma 3 year course. Pwede ka naman mag work while studying na walang CO-OP, nasa cic website ung list ng mga colleges and universities na may off campus and on campus work permit. Ang work permit mo for CO-OP di mo sya pwede gamitin for work sa labas, pang CO-OP lang ung work permit na un na related sa course na kinukuha mo sa school. And sabi nila mas okay na din may CO-OP pandagdag experience and ams mabilis ka makakakuha ng employer pag graduate. And pag nagustuhan ka din ng employer mo, dere derecho ka na nya hire. May ibang school na pre-requisite ang CO-OP, di ka makaka graduate unless matapos mo CO-OP mo, may iba naman hindi sya pre-req. Kaya may ibang student pag di nila kaya, nag shift na sila sa 2 year course (mga walang CO-OP). Kasi graded din ang CO-OP. ni gradan ka ng employer mo. And it doesn't mean na naka enroll ka sa course na may CO-OP, pasok ka na sa CO-OP. Kailangan mo maintain ung grade mo. Saiba 2.0 and isa naman 2.5 an grade ang dapat ma maintain apra ma approve ka for CO-OP. Pag mag CO-OP ka na, apply mo pa yan sa school mo. Check nila grade mo kung papayagan ka na nila mag CO-OP or hindi.
4. Ilang taon ba ang mag study bago makapag-apply ng PR?
For Masteral and PhD: Let's say one year lang kukunin. pwede ka na amg apply for PR without work experience sa canada, un lang malaki ung show money. ung standard na show money na pinapakita for FSW.
As for Colleges: Kailangan mo ng 12 months na work experienced after mo mag graduate para maka apply for PR. And dapat nasa NOC O,A,B ung work mo.
5. Ano ba normally ang month start ng pasok sa College/Univ. doon?
Iba iba, ung iab two seasons lang ung iba three seasons naman. Sept-Jan-May or ung iba Sept-Jan. Depends sa school na papasukan mo. Kung sa atin June ang start sa kanila naman september ang start ng school nila doon.
6. Ilang month ba ko apply study permit before the start ng school?
Ang advise nila mga 4 months before start ng school, pero naglabas naman na din ng news ang cic na pwede mag apply 4 to 6 months before mag start ung school mo.
Anyway Goodluck!