Sa proof of funds po tamang tama lang ang maipapakita namin kasi hirap din mag ipon dito kahit nars na po
2 accounts. Sa ibang assets nalang po kami babawi. Isang titled, isang tax dec lang, at stocks sa isang maliit na coop clinic.
Sa travel history okay naman po wala kaming violation sa mga natirahan naming bansa noon. At meron na rin kaming dlwang bansa na nag tour lang. Pero mukhang kelangan pa rin magsunog ng kilay para sa SOP hahaha! At talagang mag pray for God's grace.
By the way, isasama ko po ang husband ko sa application. Marami na po kaming nabasa na good news and bad news about this. Newly married kami (2 yrs, no children pa) at siya ang mas may higher financial contributions sa aming dalawa. Palagay ko din di ako makakapag focus sa studies ko pag magkalayo kami. Halos panay kami magkasama 24/7 hahaha! Cheezy pa eh!
Nag take note ako ng mga SOP ideas na binigay po ng iba dito, sana talaga palarin kami dito sa decision naming
sabay. Pero ang pinaka main reason na sasabihin namin sa SOP po kung bakit sya sasama kasi po nakapag stay na sya sa isang province sa Canada for 6 months so siya po ang parang mag tour sakin doon.
Yes po Scorpio 1641, Certification and Management Diploma ang kunin ko pero 1 year lang. Kahit marami po kami kakilala dun po sa pupuntahan namin still kelangan din magsumikap talaga para makakuha ng stable job offer lalo limited time lang kami if ever.