I would advise don't take the status na nakikita mo sa GCMS notes mo literally. Nasabi ko nga nun - these are stages lang and sometimes for the lack of a better term to describe yung stage na yan - nagiging simplistic ang description. Although detailed ang info ng GCMS, hindi natin alam ano ang tunay na nangyayari sa application processing - madami pa ding mga nangyayari na hindi din naman nakikita sa GCMS. Between yung online na status check sa web, and sa GCMS, mas detalyado ang GCMS.
So going back, it does not mean na literally, "received" means yung actual na pagtanggap ng forms mo. Most often ang ibig sabihin nyan natapos na ang isa na namang "stage" sa processing. Maaring (at ito ay isang hinuha lamang) na may kinailangang added verification sa form, or the details in the form, so nahuli. By putting "received" it means kung ano man ang kinakailangan ukol sa form has been completed at natapos na. Di natin alam kung nangailangan pa na i-coordinate ito sa MPNP or sa ibang department ng agency nila, we can only guess.
What is important is me action na nakikita base GCMS notes mo na something is being done sa application. It may be long in waiting, pero you know more kesa sa iba na walang GCMS and dependent on web para sa status nila. ADVO hindi ma-establish ang regularity ng processing time - for a couple of years isa ito sa matagal ang processing time, then bumilis, then nag-lull na naman. It may be another one of those cycles. Hang tight lang.
.../atb