Thank you Sir Ragluf! I will be happy to share!
Masaya naman po sa MB. Pero nakaka-inggit ang mga tanawin dyan sa inyo! Ang ganda ng Maritimes! Atsaka di kasing lamig gaya dito. Ngayon, papalapit nanaman ang winter dito sa MB, parang maikling panaginip lang ang summer!
Gayunpaman, nakaka-adjust naman po. Kailangan lang ng tamang winter boots at jacket. Bumisita kayo dito ng July-August, at in full bloom ang Winnipeg!
Madami na po tayo dito, parang ikalawa tayo sa pinaka madaming imigrante (Chinese at Punjabi yung ibang nasa top). Sa palagay ko, maganda naman ang tingin sa atin dito - sobrang masipag, friendly, at mapursigi ang mga pinoy. Maganda din at nagtutulungan ang lahat. In terms of job availability, OK naman po. Kailangan lang mag-tiyaga at mag prepare kasi iba ang style. Dapat matuto mag network at maging mas assertive. In demand po ang mga nasa trades dito! Gaya ng plumber, electrician, welder, at iba't-ibang klaseng technician. Kung alam ko lang dati, sana nag enroll ako sa TESDA sa atin!
Thank you sa patuloy na pagtulong niyo Sir! Best regards and God bless!