Nope. Ang medical received date/expiration ang madalas basehan ng validity ng visa. Usually, 1 year from medicals - eto ang validity ng visa mo.
Depende kung nasaang stage na ang processing ng application mo - kung isang assessment na lang ang hinihintay at pwede pa umabot sa expected validity ng visa na ibibigay sa iyo (meaning 1 year from medicals mo in your case dapat Sept 2014) pwedeng isyu agad ng visa at kailangan mag-landing agad before ng expiry nito.
However kung di aabot, dahil kulang pa ang required assessments, either extend nila ang validity ng medicals mo, or request for remedical. Then yung expected visa validity mo magbabago depende na ngayon kung extended or remedical ka. Kung extended, up to the date ng extension, kung remedical, 1 year from medical date ulit ang expected - ang validity ng visa.
.../atb