A few months back I posted ang pangungulit has a certain 'diskarte' to it - back-read ka na lang a bit. Kung hindi ka nagsimula na maging active in sending correspondence sa simula pa lang ng process, then hindi ka nag-establish ng pattern ng isang regular correspondent with the VO. Kung bigla ka na nag-e-email, medyo basa na agad ang diskarte; kailangan me precedent na nauna, at itinutuloy na lang. Timing ang kailangan kung kelan magpapadala ng 'update' sa VO kung ngayon ka pa lang nagsisimula ng paraan na ito. Also note, expect always walang results agad, dahil nasa VO din kung sasagot sila or magbubunsod ito ng update; pero always expect walang reply. Ang ganitong diskarte ay pagpapansin lamang upang makitang actively interested at always watching ang applicant. Kinakailangan din ng timing kung kelan magpapadala ng mga sinasabing 'updates', kailangan alam mo kung kelan nararapat sa pag matyag ng mga ibang results sa ibang mga applicants/streams.TheDuchess said:Sir ragluf, applicable po ba ang pangungulit sa lahat ng VO? kasi 2months ago na yung medical namin and until now wala pa din update sa ecas. nag email na ako twice sa VO naka attach pa yung proof from the clinic na na submit na sa e-medical yung results. all good ang results and walang furtherance pero di namin maintindihan why until now walang update. based sa ibang applicants sa ADVO, 2-4 weeks after ng medicals nila na update na agad ang ecas na MEDICAL RECEIVED. pero sa min wala pa and wala din reply sa emails ko.![]()
2nd ADVO ito - less predictable than CEM, kung saan kita na effective ang pangungulit (perhaps dahil hindi uubra ang ganitong diskarte sa ibang lahi...kulang sa empathy maari)....itong paraaan na ito madalas mas effective sa CEM kesa sa ibang VO. Kinakailangan din na formal ang messages (ako via email, and via post mail); hindi lamang isang email na para kang sumasagot sa isang kaibigan. Pansinin mo paano ang VO sumusulat sa mga applicants, formal, formatted at claro. Kung ganito sila magbigay ng message, sundan at sagutin din ng katulad ang mga messages - pansin na mas conducive sila na sumagot kung pormal ang liham mo.
Also, hindi tuwiran na itinatanong ang status ng application sa paraan na ito, kaya nga "update" ang paraan upang makita na wala nang hinihintay pa mula sa applicant. Ang update ay walang hinihingi, walang itinatanong. Ang applicant ang nagbibigay ng impormasyon, pero walang agarang kapalit na hinihintay mula sa VO . Nagpaparamdam lang ng madalas.
.../atb