Hi,rcg said:ano pong date ni request sa inyo yung updated job offer nyo? Medyo nagisip kasi ako, akala ko after medical received talagang PPR na ang kasunod, pede palang hindi pa rin.
Remember, me two parts of the PNP application process - one is the provincial part, the other is the federal part. Common ang PNP Federal part for all applicants na nakakuha na ng LoA. Pero iba't-ibang stream din ang mga applicants under the provincial application part. For example, pwede ka MPNP - General Stream, Skilled Worker Stream, Family Support Stream, Employer Direct Stream etc. Each of these streams me mga iba't ibang eligibility requirements, some of these, kailangan ng job offer (i.e. Employer Direct Stream). So kung titingnan mo - from the time na nag-apply ka ng provincial nomination, up to the time nasa federal processing na ang maaring 1year + na ang kabuuang panahon - at matagal na yan para sa isang job-offer mula sa isang employer. Kinakailangan lang na siguruhin na maintained ang eligibility status ng applicant (sa provincial level); maaring sa tagal ng panahon, marami na ang nagbago - hindi na valid ang job offer, wala na ang employer...etc.
Ang suma ng admissibility at eligibility ang susuriin upang magawa ang final decision, kaya may mga pagkakataon na kailangan balikan ang eligibility at muling humingi ng patunay na ang dahilan ng eligibility ay hindi nawala.
Kung ang stream mo naman ay hindi dito - maaring valid pa rin ang eligibility mo, kaya hindi ka kailangan hingan pa ng muling patunay o dadag na documents.
../atb