badpusacat said:
Hello everyone!
Please patulong naman po sa mga questions ko. I'm a PR who just got married and planning to sponsor my husband pagbalik ko ng Canada (nasa Pinas ako now). Eto po yung mga gumugulo sa isip ko.
1. Before we got married, nag apply husband ko (bf ko sya noon) ng tourist visa pero hindi nya ko minention kase gusto lang nya mag try on his own. Unfortunately, denied sya. Makakaapekto ba yun sa family sponsorship na i-aapply namin?
2. Pwede ba ako umuwi ng Pinas even on process ang sponsorship nya?
3. Ok lang ba if hindi pa ako stable sa Canada? Currently kase nag-ru-room for rent lang ako at part time jobs.
4. Required ba ang NSO authenticated marriage contract or pwede na ang certified true copy ng marriage certificate? Sabi kase we still need to wait for 3months bago marelease ang NSO since recently wed lang.
5. Pag may UCI # na, mas malaki ba ang chance maapprove ng tourist visa?
6. Gaano katagal ang processing time sa CEM from application up to ma-stamp ang visa?
THANK YOU SO MUCH IN ADVANCE! Hayyyy real struggle ang malayo sa minamahal sa buhay.
Here's my answer/idea to your questions..
1. Wala ako idea kung makakaapekto ba sya sa application nyo.. But sino naginvite sa kanya papunta dito? I mean sino nagbigay ng invitation letter sa kanya??
2. Yes I think.. kasi wala ka namang hihintayin ng anything once na mareceive mo ung AOR. ung husband mo na lahat mkakatanggap ng email from CEM..
3. Yes.. as long as wala kang social assistance from the government or nag'file ka ng bankruptcy before. and wala naman sya kailangan imeet na income..
4. Yes. required ang marriage certificate from NSO.. baka pwede nyo ipa'express un kung my kilala kayo pwede mkausap from NSO..
5. I think it depends parin sa officer na maghhawak ng papers nyo. My chance parin syang madenied.
6. Assessment of sponsor is 60 days plus 17 months ang processing kapag nasa Manila na ang papers nyo..
Hope this will help!!