
Challenge talaga sa relasyon ang waiting game na ito. Ako man palagi ko napagbubuntunan ng stress ang husband ko, buti di ako pinatulan hehe. Normal talaga yun. Na-depress din ako. Would you believe di na ako lumalabas ng room. Gusto ko palaging madilim, ayaw ko nga ng kausap kahit sino. This forum kept me sane, kasi nga feeling ko dito lang ako nakahanap ng nakakaintindi sa pinagdadaanan ko.
Napaka-uncertain din kasi talaga, we really wouldn't know kung asang stage na ba talaga ang application natin. Yun ang pinakamasaklap actually.
Basta tiis tiis pa po. Wala naman tayong magagawa at this point but to extend our patience. I can't wait na makita kitang magpost ng "Visa Received!" hehe! Aabangan ko yan.