Ok lang ate balaize masyado lang talaga yata kami emotional dito kasi walang updates ang CEM 1 month na. Nahirapan din ako kumuha ng NBI dala dala ko pa nun yung 2 year kong baby girl. Pumunta kami ng parksquare NBI wala na dun, sa SM Megamall wala na din dun, so pumunta kami ng Galleria close na daw pila bumalik daw ako ng madaling araw so pumunta ako sa munisipyo ng mandalauyong kasi dun malapit nakatira mom ko sabi daw balik ako kinabukasan ng 8am, nung bumalik ako kinabukasan eh bumalik daw ako ng 12midninght kasi daw mgrerelease ng forms. So pinatulog ko yung anak ko sa bahay ng mommy ko at 11pm pa lang nasa munisipyo na ako ng mandaluyong NBI mgdamag ako nghintay dun madami nga kami, dun ko naranasan na natulog sa daan. Nainterview pa nga ako ng mga reporter ng channel 2 nasa DZRH, magandang umaga bayan, tv patrol at the world tonight pati anc. Nakakuha na ako ng form nun around 7am tapos pila pa ulit, tapos akala ko ok na meron pa akong hit bumalik daw ako after 3 weeks natapos ako dun mg 12 na ng tanghali mahigit ako 12hours nandun. Tapos nung ngpamedical kami sa nationwide sana yun ang bastos pa nung receptionist napaiyak nga ako nun tumawag ako nung sa hubby ko habang umiiyak sa stairs na siguro this application is not meant to happen kasi sa lahat na lang pinahihirapan ako. So lumipat ako ng DMP dun ako kay Timbol buti na lang mabait dun. Hangang sa naipasa na namin akala namin mabilis lang lahat kasi nov 9 naaprove ang sponsor dec 27 dumating ppr. Nakapagimpake na ako. Tapos lately nagkaproblema ako dito sa condo ko nagulat ako meron akong notice of disconnection kasi meron akong utang sa association dues, cable at tubig nagulat ako kasi lahat yun binabayad ko sa broker ko nung pinuntahan ko broker ko sa unit nya wala na sya tinakbo nya yung pera na pinambayad ko sa utilities ko pati yung deposit kong 34K. Tapos ngayon mageexpire na naman ang medicals ko yung bunso ko kinuha na ng ex ko. Nababaliw na ako kakaisip anung gagawin ko. Ngemail na kami sa CEM 3 weeks ago no reply, ng email na din kami kay kenney. Sa totoo lang hindi ko na alam ano pang gagawin ko. Kaya kahit paano etong forum yung outlet ko. Pasensya na din teh.
..Ermn ,nakapag private ka sa akin noon di ba???Sorry ,mahal..nasaktan kita..napaiyak ako sa story mo...mas grabe ang inabot mo kay sa akin..di ko akalain na may baby ka rin pala..naintindihan kita...sa totoo lang naapektohan din ako sa mga nangyari dito sa mga delays of visas..dapat kasi di na ako manghimasok dito kasi may andito na ako..pero minsan di ko mapigilan...November applicant ako..January lang ako nagumpisa sa furom na ito..Ermn, wag kang susuko..di natin alam ay plano lahat ng Dios sa atin..hayaan mo si Lord na ang kikilos sa visa mo...I wish magkatotoo yong sinabi ng kaibigan ko dito this month bubuhus daw ng visa...lakasan mo ang loob mo,Neng...kaya mo yan..pagsubok sa buhay natin ito...