hello po.
musta po lahat ng spousal open work permit-ers...?
anyway gusto ko lang po sana magtanong at sana mabigyan ng kasagutan ang mga bagay bagay.
ganito po kasi yun.
dumating po ako dito sa winter wonderland noong december 23 at siya nga po nakasama ko po ang akong minamahal na asawa sa araw ng pasko at bagong taon. sa wakas natupad din po ang aking inaasam asam na white christmas. (pero totoo nga po ang sabi nila na walang kasing saya ang selebrasyon ng pasko at bagong taon sa pinas. haay...)
pag lapag ko po sa vancouver immigration tsaka ko lang po narealize na sa april lang po valid yung visa ko kasi naka base po yung validity ng visa ko sa visa slash work permit ng asawa ko. hindi ko na po naisip na may 4 months lang po pala ako maglalagi sa canada kung ganun. (dahil na rin po siguro sa preparasyon ng mahaba habang byahe kaya nawala na po sa isip ko at dahil na rin po sa gusto ko na rin po makaalis ng pinas at makasama ang aking asawa sa araw ng pasko.)
pagkatapos po ng holiday kumuha na po ako ng S.I.N (social insurance number). valid din po hanggang april lang po. kelangan daw po kasi ng sin pag mag aaply ng trabaho, bibili ng cellphone, etc... (di ko na po alam yung iba. yun lang naman po kasi sinabi ng asawa ko. hehehe.)
pagkatapos po nun, kukuha na rin po sana ako ng alberta health card para kung magkasakit man po ako hindi po ako gagastos ng malaki. pag dating po namin sa may registry, ang sabi po sa akin hindi daw po nila ako pwede bigyan o isyuhan ng health card dahil 4 months lang po yung validity ng visa ko. ang sabi po nila minimum of 6 months daw po para mabibigyan ng health card. tinanong din po ng asawa ko kung pwede bang isali na lang ako sa health card niya. hindi daw po pwede yun. isang health card lang daw po para sa isang tao. kaya ito po hindi po ako pwede magkasakit at lalong lalo na po hindi rin po ako pwede mabuntis. (hehehe! mahal po ang magbuntis, di po ba? check up dito check up doon. kaya napagusapan po naming mag asawa na hwag muna magkaanak kahit naprepressure na rin po kami dahil sinasabi po ng karamihan "dapat" magakaanak na daw po kami kasi matanda na daw po kami. 30 po ako, 31 naman po si hubby. kakakasal lang po namin nung march 2012. umalis po siya ng pinas papuntang canada nung april 2012.)
kaya po pagdating ko po dito job hunting at pag sasubmit ng resume online ang ginawa ko. sa ngayon kauumpisa ko pa lang po sa trabaho noong january 31.
ang katanungan ko po ay, ano po kaya ang dapat ko o dapat naming gawing magasawa. kasi po ipinangako po sa kanya na marerenew po siya sa trabaho, kaso hanggang ngayon wala pa rin po yung papeles na narenew o marerenew po siya. hindi ko rin po kasi maintindihan kung ano yung irerenew. kung yung work permit, yung LMO, yung kontrata, o yung visa po ba... ang sinabi po sa kanya ng kompanya eh, nilakad na daw po nila yun noong november pa pero hanggang ngayon wala pa rin. kasi sa ibang kompanya mabilis lang po yung pagrerenew nila. (base daw po yun sa mga kaibigan niyang mga pilipino na nasa ibang kompanya din po).
at ang masaklap po doon ang nakasulat po sa visa ko na kelangan ko po / naming umuwi ng pinas sa april dahil hanggang april lang po yung visa namin.
kung sa totoo lang po ayaw ko po umuwi ng pinas. ano po kaya ang dapat naming gawin at ano po kaya yung options namin para makapag extend pa po kami dito...?
maraming salamat po sa inyo.