nagbago na ako ng screen name, from creon to prcand. mas generic, mas maganda. takot kasi baka gamitin ng cic or anyone ung mga posts ko kasi sobrang unique ung creon, at yakang yaka nila i-trace ung application ko based on sa mga dates na sinabi ko sa forum.
kahit walang ITA, pwede na ba magpa-medical? i thought that dapat may ITA, then ung clinic ung derecho magsend ng results to CIC. or rather, the clinic will perfrom procedures based on CIC requirements, then explicitly nakalagay sa medical result na for CIC purposes.
- If sure kang makakreceive ng ITA sa next draw go and do your upfront. If not, then I guess better wait till you have your ITA.
isa pa, sa singapore kasi ako based. ung NBI ba kaya gawin ng isang oras? para ma-plano ang mga leaves sa pag-uwi!
- Sa SG din kami based. Pinakamdali is kuha ka ng NBI form sa Phil Embassy. Mag pa finger print ka sa PCC Cantonment (Outram) SGD15. Tapos balik ka sa embassy pay ka ng $42 sgd per application. Then send mo sa pinas or pwedeng ikaw na pumunta if makakauwi ka. Ngayon, normal processing nila is 5 working days pero pwede mo pa expedite (alam mo na yun) same day makukuha mo. PHP115 and processing fee.