+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
hi Caloy. Yes, i will be landing in Vancouver. Ill be staying in Maple Ridge for the meantime kayo ba? did u open an account ba sa HSBC? the POF on landing is really causing me anxiety.
 
Hi,

We are going to open pa lang this coming week. May charge na $100 to open, then yun na may account ka na sa Canada. Sa surrey kami punta.
 
hello bottomless appetite!
congrats sa iyo! you are one step away from your dream.
ok yung part cash, part travellers cheques o bank draft, but ayon sa mga nabas ko dito, di nakabubuti ang magdala ng cash + bank statement lang mula sa pinas. kasi duda daw sila sa mga bank statement na galing sa mga bansang tulad natin??? mabuti ng pakasigurado kasi may napabalik daw dahil kulang ang perang naipakita....so better be safe than sorry diba? sabi ng kumpare ko na nagdala ng cash na mahigit sa cad10,000 ang dala, ok lang naman yun basta idedeclare mo.alam naman nila na kapag magmimigrate ka, dala mo talaga ang malaking halaga na iyon....

bottomless_appetite said:
Hello sa lahat.

Hindi po ako gaano nag po post dito, subalit ngayun po kailangan ko ng advise ninyo. Sa mga nakaalis na, paalis pa at naghihintay ng visa para maka alis. As i posted dito sa forum, i finally got my Visa after 8months (more or less) na processing this week. Yes, I am happy, maligaya po ako at nalulungkot rin na iiwan ang pilipinas. Isa po ako sa mga nurses dito na hindi pinalad na magkaroon ng US visa kahit na packet3 na halos 5 taon na. May tourist visa pero nag expire at hindi na grant noong nag renew kasi may pending application. Sinubukan lahat ng trabaho, hospital, government work at pagtuturo na sa awa ng Diyos ay super enjoy naman at masasabi kong nag excel naman sa aspetong ito dahil marami namang natulungang estudyante na ngayun karamihan sa kanila ay ganap na ring nurses. Maligayang maligaya po ako na nagkaroon na ng visa pero habang sinusulat ko eto ay nag si sink in na ang kalungkutan. Iiwan ko na ang bansa ko, iiwan ko ang magulang, ang mga mahal ko. nakakalungkot talagang umalis. naalala ko noong nag U.S ang kapatid ko at mga pinsan ko, nakakalungkot, nakakaiyak pero alam ko naman na sa bandang huli, liligaya pa rin dahil katulad po sa sinabi at pangako ni Mayor Binay, gaganda ang buhay. (LOL)

Naniniwala po ako sa pangako ng Diyos na hindi ako, hindi tayo pababayaan. Saang bansa man tayo makarating, anong lahi man ang makikilala natin, aangat at sasaya pa rin tayo dahil alam naman nating lahat na matatag at masipag tayo at marunong maghanap ng kaligayahan. Nag e emote po ako ngayun mga kapatid kasi sa wakas may visa na talaga at ako po ay lilipad na magisa. wala po akong kasama na lilipad, walang susunod na asawa, anak, boyfriend, girlfriend, aso o pusa. Solo flight. By choice. Balak ko pong aalis ng June. Kung sino po ang paalis na rin ng June at mag la land sa Vancouver, sama naman tayo para di masyadong malungkot. Boring naman ng 12 hours flight na walang kasama, ayoko kayang iiyak na lang ng iiyak sa flight. Hahahahaha Naalala ko tuloy ang mga flight ko sa US before. Ang tindi. Buti na lang kasama ko mom at kapatid ko at least may kausap. Ngayun, wala. So kung sino man na gustong may kasama, txt nyo ako para kita kits. Hehehe

Ang pinaka importanteng tanong ko po mga kababayan ay ito. Alam naman nating lahat na ang pinagpalad lang po dito sa Pinas ang may milyones sa bangko. Yes, may show money nga tayo or at least in my case ako, pero karamihan doon ay hindi naman atin, o akin. (prangkahan lang po.) sorry sa na o ma offend. Katulad po ng nakararami, ang pera ko pong pinakita ay hindi lahat sa akin. Ang concern ko lang po ay sa point of entry sa Canada kasi alam naman nating magpakita pa din doon ng POF. (Proof of Fund). Yes, magdadala po ako ng Cash, pero paano ho po ba eto e de declare sa customs? Kasi nasabi doon na declare if you are carrying more than $10,000. Dapat ko e encash ang C$11,000plus na requirement nila at dadalhin by hand? o Kailangan ko lang magdala ng a few cash tapos the rest ay managers check? Di ko pa masyadong kabisado. Paano ang declaration? Kung konting cash like C$3,000 plus magdala ng managers check o bank draft? Plano ko rin kasi na isauli ang mga perang hindi akin na ipapakita ko sa customs purposes pagdating ko . Paki advise naman po at ako ay nalilito na. Nagbabasa po ako dito sa Forums pero di ko pa rin masyado ma gets. Kung sino man ang eksperto dyan, may experience na. paki advice naman po, yung diskarteng pinoy. Alam ko tayong mga pinoy magaling sa diskarte, daya pakituru-an naman po ako.

Ako po ay magpapasalamat sa inyong mga reply. At sana po, magka VISA na tayong lahat. Sa mga naghihintay, Huwag hintayin at lalong tatagal yan. Relax relax lang, hindi mo mamalayan. Yung hinihintay mo, nandyan na pala. 

Salamat.
 
Bottomless, ang balak kong gawin e magdala ng konting cash at bank draft mula sa BPI, ipapalit yung pesos mo to CAD tapos iopen sa Scotia Bank within 10 days pwede mo na gamitin. yan ang arrangement ng BPI at Scotia Bank.. :)

yung cash declaration form, nagbibigay sa seminar na PDOS, declare lahat ng cash at monetary instrument na dala (kung more than $10,000), isang Philippine form at isang Canadian form

dun sa mga nakaalis na, ito kasing customs natin alam naman natin na corrupt, magtatanong daw kasi yan sabi sa pdos san nakuha yung perang dala mo with proof pa (may ganun ba talaga?) meron pa daw talagang naghahabol pa daw sa airport.
so bakit ko pa sabihin na may dala akong pera na malaki dyan sa NAIA, sa canadian form ko na lang sabihin di ba ;D any comments po?
 
ryanf said:
aliyah1523,

do i have to take ielts po ba...balak ko pong ibalik ung whole package sa sydney. i update ko lang ung mga signatures.

kung ibabalik mo yung package sa sydney, hindi naman po kailangan isama yung ielts result. yung ielts result isusubmit mo lang sa local visa office, sa manila :D
 
char_bonel and tabs.. :D uy monday na bukas..ayan na PPR nyo ;D
 
Caloy said:
CPA2, Bottomless,

Try to open an account to HSBC. Nag oofer sila from here to open an internatinal account.
Hi botttomless,
Going to BC rin kami family ko, June din kami. Where sa vancouver ka mag land?

guys try nyo din po basahin ang opening ng account ng royal bank of canada. pwede mag-open online ng account kailangan lang ng passport and COPR nyo and then you can wire the money from a philippine bank to them. In turn you can request for a bank statement from them to present when you land. suggestion lang naman po, here is their website, you can also go to the chat box for a rep to assist you with any of your questions ;D


http://www.rbc.com/canada/
 
ALIYAH....

This is the week... nakasakay na ang late na PPR papunta sa amin ni Char at Hailo.... sana effective ang sundance mo....
 
TABS said:
ALIYAH....

This is the week... nakasakay na ang late na PPR papunta sa amin ni Char at Hailo.... sana effective ang sundance mo....

tabs,

na witness mo ba yun amazing moon and star last night??goodluck yun he,he,he.....

salamat sa nag discuss about sa options ng money na dadalahin....at least may idea ang laht whichc is better...btw, vancouver din kami .....goodluck...
 
aliyah1523 said:
char_bonel and tabs.. :D uy monday na bukas..ayan na PPR nyo ;D

oo nga. dis is the week..sana dumating na.
 
pwede bang magreply dito nang buntung hininga? balitaan kita pag nagkasabay tayo ulit na online sa FB ;)

maharlika said:
sau2calgary, lenavi, kyle n bubbles...

me updates na ba kayo?
 
Hailo, Char, Aliyah

Yup, I saw it and it was beautiful... and i know this week is beautiful... Im looking forward to all the beautiful things that will happen this week... Its my dad's last cycle of chemo theraphy tom and i have this feeling, kasama sa celebration naming pamilya this week ang submission ng passports naman namin... God is good... sabi ko nga sa post ko sa bf " Letting go and Letting God do His wonders on me this week"...

Exciting!!!!!!
 
TABS said:
Hailo, Char, Aliyah

Yup, I saw it and it was beautiful... and i know this week is beautiful... Im looking forward to all the beautiful things that will happen this week... Its my dad's last cycle of chemo theraphy tom and i have this feeling, kasama sa celebration naming pamilya this week ang submission ng passports naman namin... God is good... sabi ko nga sa post ko sa bf " Letting go and Letting God do His wonders on me this week"...
Exciting!!!!!!
effective naman siguro kasi naulanan ako kahapon wehehehee ;D
 
ALIYAH,

san naman umulan kahapon... i do hope effective....
 
guys,,,,,,,

great great news got my PPR na through email...so happy talaga.malapit na rin kayo...Goodluck..and thank you guys for the support, indeed you have lifted my spirit up....susunod na sa inyo.......God bless