Hello sa lahat.
Hindi po ako gaano nag po post dito, subalit ngayun po kailangan ko ng advise ninyo. Sa mga nakaalis na, paalis pa at naghihintay ng visa para maka alis. As i posted dito sa forum, i finally got my Visa after 8months (more or less) na processing this week. Yes, I am happy, maligaya po ako at nalulungkot rin na iiwan ang pilipinas. Isa po ako sa mga nurses dito na hindi pinalad na magkaroon ng US visa kahit na packet3 na halos 5 taon na. May tourist visa pero nag expire at hindi na grant noong nag renew kasi may pending application. Sinubukan lahat ng trabaho, hospital, government work at pagtuturo na sa awa ng Diyos ay super enjoy naman at masasabi kong nag excel naman sa aspetong ito dahil marami namang natulungang estudyante na ngayun karamihan sa kanila ay ganap na ring nurses. Maligayang maligaya po ako na nagkaroon na ng visa pero habang sinusulat ko eto ay nag si sink in na ang kalungkutan. Iiwan ko na ang bansa ko, iiwan ko ang magulang, ang mga mahal ko. nakakalungkot talagang umalis. naalala ko noong nag U.S ang kapatid ko at mga pinsan ko, nakakalungkot, nakakaiyak pero alam ko naman na sa bandang huli, liligaya pa rin dahil katulad po sa sinabi at pangako ni Mayor Binay, gaganda ang buhay. (LOL)
Naniniwala po ako sa pangako ng Diyos na hindi ako, hindi tayo pababayaan. Saang bansa man tayo makarating, anong lahi man ang makikilala natin, aangat at sasaya pa rin tayo dahil alam naman nating lahat na matatag at masipag tayo at marunong maghanap ng kaligayahan. Nag e emote po ako ngayun mga kapatid kasi sa wakas may visa na talaga at ako po ay lilipad na magisa. wala po akong kasama na lilipad, walang susunod na asawa, anak, boyfriend, girlfriend, aso o pusa. Solo flight. By choice. Balak ko pong aalis ng June. Kung sino po ang paalis na rin ng June at mag la land sa Vancouver, sama naman tayo para di masyadong malungkot. Boring naman ng 12 hours flight na walang kasama, ayoko kayang iiyak na lang ng iiyak sa flight. Hahahahaha Naalala ko tuloy ang mga flight ko sa US before. Ang tindi. Buti na lang kasama ko mom at kapatid ko at least may kausap. Ngayun, wala. So kung sino man na gustong may kasama, txt nyo ako para kita kits. Hehehe
Ang pinaka importanteng tanong ko po mga kababayan ay ito. Alam naman nating lahat na ang pinagpalad lang po dito sa Pinas ang may milyones sa bangko. Yes, may show money nga tayo or at least in my case ako, pero karamihan doon ay hindi naman atin, o akin. (prangkahan lang po.) sorry sa na o ma offend. Katulad po ng nakararami, ang pera ko pong pinakita ay hindi lahat sa akin. Ang concern ko lang po ay sa point of entry sa Canada kasi alam naman nating magpakita pa din doon ng POF. (Proof of Fund). Yes, magdadala po ako ng Cash, pero paano ho po ba eto e de declare sa customs? Kasi nasabi doon na declare if you are carrying more than $10,000. Dapat ko e encash ang C$11,000plus na requirement nila at dadalhin by hand? o Kailangan ko lang magdala ng a few cash tapos the rest ay managers check? Di ko pa masyadong kabisado. Paano ang declaration? Kung konting cash like C$3,000 plus magdala ng managers check o bank draft? Plano ko rin kasi na isauli ang mga perang hindi akin na ipapakita ko sa customs purposes pagdating ko . Paki advise naman po at ako ay nalilito na. Nagbabasa po ako dito sa Forums pero di ko pa rin masyado ma gets. Kung sino man ang eksperto dyan, may experience na. paki advice naman po, yung diskarteng pinoy. Alam ko tayong mga pinoy magaling sa diskarte, daya pakituru-an naman po ako.
Ako po ay magpapasalamat sa inyong mga reply. At sana po, magka VISA na tayong lahat. Sa mga naghihintay, Huwag hintayin at lalong tatagal yan. Relax relax lang, hindi mo mamalayan. Yung hinihintay mo, nandyan na pala.
Salamat.