Raph4J said:
Hi fellow pinoys,
Sana matulungan nio ako. I married my gf last September. Nakuha na namin ung marriage certificate namin from local registry sa pasay. Iaapply namin ito sa NSO para maauthenticate kasi kelangan namin isubmit sa visa office. Meron bang nakakaalam ng tamang proseso nito at kung gano katagal bago makakuha ng NSO copy ng marriage certificate? Meron pa kaming 3 1/2 mos to submit all our documents to Visa office.
thanks,
Raph
Hello!
Same case tayo. Me and my wife got married last July (last week) pero by September (first week) nakakuha na kami ng SECPA sa NSO. Sa marikina kami nag pakasal and eto ginawa namin:
1) We ask the local civil registry kung pano mapapabilis, usually daw 3 to 6 months bago maging available ung SECPA sa normal process. Ang sabi ng civil registry, mag submit kami ng transmittal from civil registry saka ctc ng marriage cert via courier sa regional office ng NSO. LBC ginamit namin. Ung regional office namin is sa san juan. Ask them na lang kung saan pag sa pasay. Asa NSO website din un.
2) After 3 days, punta ka sa regional office to check kung naayos na nila ung transmittal. Call them kung kelan ang sched ng release, sa san juan kasi every weds lang.
3) After makuha ung transmittal, they will instruct you to go to the main office sa east ave. Pakita mo ung transmittal, ctc ng marriage cert, tapos apply ka na para sa ng SECPA copy.
4) Balik ka on the scheduled date.
5) Personal naming ginawa lahat yan. Di mo pwede pa deliver.
Hope this helps.