Hello Fellow CPAs!
Dito ako sa Dubai naka-base ngayon working sa multinational company na merong branch sa Calgary, Canada. Nakipag-chat ako recently sa isang Pinay CPA dun, 7 years na sya sa Canada at Canadian citizen na. Yung panganay nyang anak who is 25 years old, CGA na at sya nman kumukuha ng paisa-isang subject. Share ko lang payo nya.
Sa pagpili kung alin sa 3 designation ang kukunin, dapat daw define mo muna ano ba goal mo pagdating mo doon at kung ano background mo.
CA - lahat daw na na-meet nyang matataas ang katungkulan dun either CA or CMA. Madiwara ang requirements at hard work talaga bago mo matapos. Ideal eto kung audit ang background mo; ang intention mo ay talagang maabot ang highest corporate ladder.
CMA - sa tatlo, eto yung tipong hindi "specialist" kc d ka lang puro accounting at finance, more of all around manager na involve din sa operations. Yung sister in law eto kinuha at ngayon ay nilipat na ng kumpanya nya sa Texas, USA.
CGA - admittedly, eto ang madaling pasukan dahil mas makonti requirements sa initial stage. Sya raw nung magpa-assess, Level 4 na lang yung kinuha nya so d na rin ganun katagal. If full time ka raw, meaning 3 subjects a year, kayang tapusin in a year & a half. Sa kagaya nya raw na d na masyado naghahangad ng mataaas na position (2 sa 3 nyang anak tapos na), d nya an klangan ng ganung stress. Ang importante lang meron syang makuhang designation which is very important para makakuha ng mgandang work na in line sa profession natin. Take note though na kahit nag-aaral ka pa lng naman daw, okay na rin opportunities mo (ilalagay mo lang, working on my designation sa resume mo). Syempre you have to balance things din - resources (dahil sobrang mahal ang tuition!), time with family (especially sa me malilit pang anak na tulad ko), time pra mag-aral (remember klangan natin kumayod for our daily expenses), etc.
So bottom line kung priority mo family over career, go for CGA. Kung bata ka pa at career driven, go for CA. It's good to have varied opinion although syempre at the end of the day we still decide what will work best for us & our family
Ako, I'm still struggling whether to get CA or CGA. Initial plan ko if CA kukunin ko, try ko muna get CPA USA kc napulot ko naman sa mga Arabu na naasabay ko renew US visa na mas mapapadali CA mo pag meron ka nun at malaking bearing pa khit andito ka pa lang UAE. Ganun din gawa mga Indiano although mas marami sa kanila ang kinukuha nman CA_UK na recognized nmang ng CGA. Sa isang banda parang gusto na rin CGA, less stress (mukha, hope ganun nga).
Pahabol pa nya, pag me MBA ka raw super big time ka dun as in wow! Yung panganay nya ang next target after CGA: MBA or CPA-USA.
There, my longest post since joining...whoa!!!