Hi po. May mga naapprove na po ba if aunt yung nag sponsor? Tuition and lodging po aunt ko yung magpprovide...Andito po sa pinas yung aunt ko...willing to provide latest bank cert and statements. yung parents ko po e mag mmigrate na sa US along with my 2 other siblings. Kaming 2 na ate ko na lang ang maiwan dito sa pinas if ever..enough na po yung funds ng aunt ko pero gusto ko po sana may financial documents din kami na maipakita, nakapag request na po kami ng bank cert sa bank last week, enough funds din naman po ng parents ko, kaso ang iniisip ko December 2018 yung date sa certificate e mga around March to april pa po kami mag ffile. Yung 2 na ate ko nasa Australia na po, study program. Yung isang ate ko nagmamanage po ng family business namin. May isang business na nakapangalan din sa akin. Currently unemployed po ako for almost 8 months na may minamanage rin po akong family business namin for which i am the registered owner.
Questions:
1. Possibility po na ma approve ako if aunt ko lahat ang gagastos? Wiling naman po mag provide ng bank cert, statements, ITR, business permits, affidavit of support and letter of support. As in 100percent po supported.
2. Hindi po ba magiging problema if yung parents ko e nasa US na at tung 2 na kapatid ko, parang lumalabas kasi wala ako masyadong family ties. Di kaya iisipin ng VO ginagawa ko lang itong stepping stone?
3. Valid pa po kaya yung bank certificate ng parents ko, December 2018 inissue pero mga around March/April 2019 pa kami magffile?
4. Need pa po ba ng ITRs ng parents ko? Though aunt ko talaga gagastos 100percent ng duration ng study ko
5. Anongn documents naman kaya ang pwede ko ipresent para makakuha ako ng bank certificate ng parents ko without their signature?
6. Meron po pala akong Canadian tourist visa. Though never ko pa ginamit. Wouldn't it be taken against me?
Please answer po sa nakakaalam. Thanks po