Hello po sa mga nagsi-search pa lang ng mapapasukan.
In case po you want to study and take this opportunity as a stepping stone to stay sa Canada for good, advice ko lang sa aspirants na sa university po kayo mag-enroll instead of college or institutes. Iba iba pala ang distinction nila dito ng "university, college and institute" (di ko to nabasa through backreading).
First, sa Canadian culture pala ay mas prestigious sa kanila pag university ka graduate kesa sa college or institute. Sa atin kasi parang pareho lang college at university pero dito sa North America, university is more bongga and may dating sa resume (e.g. Harvard University, Yale University, Princeton University, Oxford University, Cambridge University).
College is more maliit na unit (for example, sa Pinas, College of Saint Benilde versus De La Salle University). Ang institute naman ay more on short courses or particular skills. A university is composed of colleges so smaller unit ang college.
So kung may plan po kayo mag-aral ng mahabaan din lang, look for Universities para mas maganda sa resume pag naghahanap na kayo ng work. Hindi ko naman sinasabi na nila-"lang" lang ang mga college and institutes pero for example, Canadian employer ka and may dalawang pagpipilian - isang graduate sa university for Business Admin versus isang graduate sa college/institute for a Business course, mas pipiliin nila ung galing sa Uni versus sa isa (or maybe offered higher).
Kung may degree na kayo sa Pinas, meron naman tinatawag na "Recognition of Prior Learning" dito sa Canada, meaning, i-aassess nila yung pinag aralan nyong degree sa Pinas, then iko-compute kung ilang units pa ang kulang mo to get a degree in the Canadian university (therefore hindi full 4 years or 3 years tuition ang babayaran mo). Ang sample ng mga gantong assessors ay IQAS in Alberta (google it).
Anyway, friendly advice lang po. I just learned this kasi I'm taking a short French course dito sa Canada and mga kaklase ko is local Canadians and sa kanila ko natutunan na ganun pala impressions nila sa mga university/college/institute.
Pero kung babalik naman kayo sa Pinas after studies then ok din lang. Sakin lang is, magbabayad ka na lang din ng mas mahal, pay it sa mas worth it na. Habol po sa fall term - abot pa
Good luck all!
Congrats sa mga may passport requests!!