@ out
Maraming salamat OUT, nakakatulong talaga to.. dont worry hindi ako mamimike,hehe.. andito ako sa cebu para maghanap ng bagong trabaho. Susundin ko ang mga payo mo, salamat talaga. My biggest mistake ay nagbitiw ako kaagad sa trabaho, atleast alam ko na ngayon ang nangyari.,.. God bless po. Ingat lagi
pacomment...
sa interpretasyon ko ng mga dahilan bakit di naipasa na magkavisa ay:
1. limited employment prospect - job experiences na meron ka bukod sa pagiging cashier; may nailagay ka pa bang ibang naging hanapbuhay mo?
2. employment situation - early resignation na ang tinitingnan ng VO ay dali daling bumibitaw sa hanapbuhay kahit wala pa ang inaasahang kapalit na trabaho. nagkaron ng impresyon na baka pagdating sa canada ganun din ang gagawin ang bumibitiw agad sa trabaho lalo ang employer ang namumuhunan sa eroplano at iba pang pinagkakagastusan sa pagkuha ng TFW.
mairere apply mo yan pero siguraduhin mo na di na makikita ng VO ang nauna na nyang nakitang dahilan kung bakit di ka ipinasa dahil kung yan pa din ang makikita nya at walang nadagdag o di kaya wala ka pang ding trabaho malamang ganun pa din ang magiging desisyon. kung sakali mababago mo nagkatrabaho ka bago ka pa nagsumite at may maidadagdag ka ng iba pang naging trabaho, ang pakasiguruhan mo lang ay kapag nag imbestiga kung lehitimo at totoo ay dapat mapatunayan mo. Kung hindi din baka ikasira pa ng record mo sa kanila na nagbibigay ka ng mga impormasyong di totoo. isa yan sa mga pinaka aayaw ng CIC - mga pamemeke!
[/quote]