jmjj34 said:
Yes, I pray to God talaga for this one, kasi expired na LOA ko noong Dec. 30 pa at ang EILTS ko sa Feb. 13 na rin. Araw-arawin ko ngang inaabangan but we trust Him that AOR is on the way na...
To Sir Ragluf, need your thoughts po.
Thanks..
Now on expiry, as long as natanggap ang documents mo (meaning me proof of courier delivery/delivery receipt ka) - at that date, "frozen" ang validity period ng documents mo. Kahit na inabot ng ilang buwan pag after ng delivery bago nila actually binuksan at binusisi ang laman ng application package mo, at the time of submission valid ang docs. So walang magiging issue.
Pero, ang expiry of the LoA and the IELTS will not matter, if there are no issues with your submission (i.e. lacking documents, forms not signed, wrong payment). Kasi with those issues, ibabalik ang application package mo via post mail, and most of the times reported na matagal - nagmula ito sa transit time ng pagbabalik ng application forms, inaabot ng buwan. Since ang resubmission sa iyo is treated as another initial submission ng CIO, makikita nila at the time of "resubmission" - expired na ang LoA at IELTS, so hihingi sila ng bago. Meaning - hindi mo nasunod ang entry criteria ng eligibility (no LoA etc.) kasi invalid ang ibang documents, at hindi nila matatanggap ang application mo. Marami ang kumukuha ng extension LoA sa mga PNP kapag ganito ang nangyari, at nasa PNP na ang decision kung magbibigay pa sila - pabago-bago na ang mga procedures nitong nagdaang mga buwan. Kaya sana hind mangyari na ibalik ang application.
Kung ano naman ang pwede mong gawin (at ni criselda_0808 rin) - habang naghihintay - pwede naman magpadala ng inquiry sa inaakala/inaasahan o piniling VO sa mga application forms. Note lang, nitong mga bagong updated forms, nawala na ang option na mag-lagay ng VO na pinili upang i-process ang application - kaya kung ang application ninyo at gamit pa ang lumang forms, nandun ang option. Kung bago na ang gamit, well mahirap alamin kung saan ang inaasahang VO na mag-process ng application ninyo dahil discretion ng CIO saan ipadadala. Papasok na dito ang maaring processing ng application sa ibang opisina na hindi naman busy masyado at malapit sa bansa kung nasaan ang applicant. Bagong taon - maraming nagbago na naman ang mga proceso at maaga pa para matiyak paano na ngayon ang kalakaran.
Also, kung wala pa kayong mga UCI - medyo mababa ang posibilidad na makita ng mga VO ang impormasyon ukol sa application ninyo - kasi ang UCI ang nagsisilbing "tracking" ng application. Maaring me paraan sila, pero ggugol ng mahabang oras.
Kung luma pa ang forms ninyo:
1. Padala kayo ng email inquiry sa inaasahan ninyong VO ayun sa nakasaad sa application forms ninyo. Kung CEM ang pinili ninyo (dahil nasa Pilipinas kayo) - nandito ang link ng Manila CSE (Case Specific Enquiries) at email address:
http://www.cic.gc.ca/english/information/offices/missions/manila.asp
Enquiries
General: manila-im-enquiry @ international.gc.ca
Case specific: https://secure.cic.gc.ca/enquiries-renseignements/case-cas-eng.aspx?mission=manila]/i]
2. Kung nasa ibang bansa kayo - padala kayo ng email inquiry sa Canada VO na responsable sa bansa kung nasaan kayo ngayon (legal resident). Narito ang general link at hanapin ninyo ang VO na responsable sa bansa kung nasaan kayo, at hanapin ninyo ang Enquiries link:
http://www.cic.gc.ca/english/information/offices/apply-where.asp
Ang pamaraan nito is - "Hinahanap" ninyo nasaan ang application ninyo, kaiba sa "hinihintay" ninyo ang sagot ng CIO. Wala naman bawal magtanong sa kanila, nguni't kailangan pormal ang liham ninyo at malinaw ano ang nais ninyo. Isaad ang buong pangalan, (UCI kung meron), address at ang mga contact numbers at kung kelan ipinadala ang application. Nais ninyo na batay sa mga impormasyon na ito, mahahanap nila kung nasa kanila na ang application. Nguni't gamitin lamang na di malimit, dahil iilan lang kayo sa mga messages na dumarating sa mga VO, kaya iwasan ang madalasang pag-email sa kanila.
Ngayon ang inaasahan sagot lamang dito ay kung sasabihin ng VO na nasa kanila o wala sa kanila ang application. Elimination of possibilities lamang, upang malaman kung nasa CIO pa ang papel, or nailipat na at sadyang nahuli lamang ang AoR.
Saka - panahon na upang baliin natin ang inaasahan natin sa mga bansang mayayaman na may proceso at mabilis at maayos ang proceso nila. Sadyang pareho din natin - tao din sila, at may red tape din kahit saan. Kaya talagang tiisan ang paghihintay.
.../atb