reynold21 said:
hello everyone,
nag alala lang ako ng mabasa ko thread na to, sa tingin nyo ba pinapadala pa ng CEM ang docs ntin sa CIC para sa final decision?
http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/on-pnpreference-letter-needed-for-verificationafter-ppr-t228593.0.html
No. GCMS/eCAS is the main system used for the application system and accessible ito to all the missions and VOs processing applications worldwide. No need para ipadala ang results/docs sa CIC - any mission/VO can view it as long as it is in GCMS/eCAS. Note kapag sinabi natin ang CIC in this context, CEM = CIC. Considering na tapos na ang PNP section ng application ninyo, next stage is applying to CIC (Federal). Ang nakikita natin is CIO is sort of the pre-screening stage:
- the application is checked for eligibility to the program being applied for (correct ba ang stream, eligible ba ang applicant under the stream being applied for...etc.)
- the application is checked for completeness
- then the application is sent to a processing office kung saan mas angkop na i-process ang application - dito naman daraan na sa admissibility checks. Ito ang madalas maraming interaksyon - kasi ang processing office ang nag-papadala ng requirements, submissions at iba pa na kakailanganin upang matapos ang admissibility checks
Kapag handa na ang lahat - kumpleto na ang eligibility, at admissibility checks, saka naman gagawin ang final decision. Dito, susuriin mabuti ang kabuuan ng application (eligibility and admissibility), kasama ang mga hiningi na PCCs, additional docs, medical, criminality/security etc.). Titingnan ang kabuuan ng lahat upang makita kung karapat-dapat bang patuluyin at payagan ang immigration request ng applicant. Isang officer ang gagawa nito, at hindi natin alam kung taga-CEM, o sa ibang office ng CIC (maaring nasa Canada, maaring nasa ibang bansa) ang susuri at gagawa ng final decision. Madami na ang haka-hakang lumabas, pero sino ba ang nakaka-alam na sigurado SINO talaga ang gumawa ng final decision?
. Hindi naman pumipirma ang mga officer, at puro initials lang ang inilalagay. Alam ba natin kung saang opisina naka-base?
Isipin mo na isang checklist ang proceso at upang magkaroon ng Final Decision, kailangan makumpleto muna ang mga nauunang kailangan, na gagamitin para sa Final Decision. Hindi ito tulad nang, natapos na ang isang check, tapos na - hindi natatapos sa
pag-submit lang ng PCC, sa pag kumpleto ng medical, sa pagsubmit ng mga added documents, personal history. Kailangan ang mga ito, dahil gagamitin sa Final Decision.
Kaya ang paalala-ala, hindi natatapos sa pagkamit ng DM, visa ang immigration process. Hangga't hindi ka nakaka-landing at activated na ang PR mo - marami pa ang pwedeng mangyari. Nguni't ikinatutuwa natin ang pagkamit ng DM, ng CoPR at Visa dahil palapit ng palapit sa pagkamit ng PR.
. Ika nga, small victories ....
../atb