TheDuchess said:
Hello, question po....What did you mean sa "Last June 3 pa kami in process, NAG SKIP NA SYA NG MEDICAL RECEIVED"? Kasi we completed the medical last 31st May tapos June 9 na submit na ng panel physician yung results. Everyday ko chinecheck online pero yung eCAS namin IN PROCESS pa din. Possible po ba na di na mag MEDICAL RECEIVED? And if mag MEDICAL RECEIVED, babalik pa po ba yun sa IN PROCESS or DM na ang kasunod? Thank you.
Hi,
Yung MEDICAL RECEIVED sa eCAS does not literally mean natanggap na ang medical results.
. Isipin na lang natin update yan sa eCAS and para magkaroon ng update sa eCAS, me update na din sa file mo - specifically - me medical assessment na ang isang medical officer sa medical results mo na natanggap ng isang RMO. Yung results ng IME/medical mo will be sent to an RMO (regional medical office) kung saan isang medical officer ang titingin at gagawa ng medical assessement. Maswerte tayo me RMO ang Manila. Kung minabuti ng medical officer na kailangan ng furtherance, magpapadala ng added instructions mula RMO papunta sa VO and Clinic, kung saan ipapatawag ang applicant para sa dagdag na procedures. Kung wala naman kailangan pa, gagawa na ang officer ng medical assessment, at isasama sa file mo as part ng completion ng mga admissibilty checks/requirements. Madalas, kapag itong medical assessment ay nai-update na sa file mo, saka lalabas ang "Medicals Received" sa eCAS.
Hindi rin sequential ang "stages" ng IN PROCESS and MEDICAL RECEIVED, pwedeng mauna ang isa, like sa medical furtherance, dahil sa tagal ng completion ng medical, madalas nauuna ang IP. Kapag natapos na ang lahat ng checks na kailangan, at ready na para sa final assessment/decision, kailangan na hingin ang PPs nyo (eto na ang PPR); kapag me final assessment/decision na sa application - saka lalabas ang DM.
Ngayon - careful lang - hindi ganyan ka-accurate ang eCAS kaya hwag din masyadong magtiwala ng buo dito. Me mga nauuna pa ang pagbalik ng passports bago naging DM
, o hindi na nagbago sa IP kahit naibalik na ang PPs.
.../atb