lencabz said:
hello sa inyong lahat! meron po ba ditong lagpas ng 12 months ang processing ng application? what will happen if maabutan ng expiration ang medical? base po ba sa date ng medical exams ang visa mag-expire? please help...
Ano ba laman ng eCAS mo? Anong date lumabas ang "Medical Results have been received"?
Rarely para sa isang PNP nominee na aabutan ng expiry ng medicals, which is right now ang longer period ng timeline mo. Kung susuriin ang average processing time is pwedeng sukatin ng:
AOR-CIO <------(average processing time published by CIC for the VO)--------> DM
Sinasabi ko na hanggang DM kasi hanggang dito na lang ang bulk ng trabaho ng mga officer at iilang araw na lang ang pagitan para ibalik ang PPs na me visa at madalas hindi na aabutin ng buwan para maibalik ang PPs, kaya negligibile na kung ikukumpara sa buong processing time. Kung lalagpas na sa medicals results received date ang application processing mo, expect na me re-medical request na ipadadala sa iyo. Pero bihira ito - madalas sa ibang class na more than 1 year ang processing time nangyayari ito.
Madalas ang validity ng visa is ibinabase sa medicals:
Medical results received <------(1 year) -------> visa expiry date
Pero maaring maging maiksi ito at ang madalas na dahilan ay ang passport validity mas maiksi kesa sa 1 year validity ng visa. Hindi nag-issue ng visa ng mas mahaba sa validity ng passport, kaya siguraduhin na ang ibibigay na PPs sa VO ay mahaba pa sa isang taon ang natitirang validity.
iha, base sa http://www.cic.gc.ca/english/inFORMation/times/perm/provincial.asp#asia - 12 months ang processing time ng CEM. Kelan ka nag AOR sa CEM? So ang masasabi ko lang - kung lagpas na sa processing time na nakasaad or published nila,
nasa lugar ka na para mangalampag sa VO. Sa kadahilanan di nila sinunod ang isinaad nila na processing times, kaya wag ka mag-atubili na mag-padala ng abiso, request ng status - at parati mo ipauuna sa mga liham/sulat/email mo, na
lagpas na sila sa processing time.
.../atb