aaron09 said:
Hi to al! question lang po kung anu po ba next na hintyin ko kasi natangap ko po yung nomination jan 5,2015 then expiration july 5, 2015. then nkpagbayd napo ako ng application fee for permanent residence. ibig sbhin po ba nun wait nlng ako ng request ng CIC ng medical? ok npo ba yun pang nominated ka na ng province? or for formality nlng po yung sa CIC basta nominated ng province. Anyone can give me advice thanks po.
So natapos mo na ito?
1. Natanggap mo na ang nomination letter mo mula sa NBPNP
2. Naipasa mo na ang application mo sa CIO-Sydney kasama ng kabayaran mo ng application fee
3. Natanggap mo na ba ang AoR mo mula sa CIO-Sydney?
Hindi ito medical agad, hintayin mo muna ang AoR mo, then malalaman mo saang VO/processing office ipinasa ang application file mo. Itong processing office ang magbibigay ng next instructions sa iyo, kakausapin mo via email, at papadalhan mo ng documents. Kung me AoR ka na, then susunod na ang medical request at iba pang instructions or requests mula sa processing office mo. How long in between - walang accurate range ngayon - madalas inaabot ng ilang buwan at pabago-bago.
Hindi natatapos ang proceso sa nomination lamang - unang bahagi pa lang ito. First Half ika nga. Ang nomination ay mula sa Province - isang katunayan na pinili ka nila sa lahat ng ibang applikante, dahil swak ka sa hinahanap nila (ayon sa criteria nila). So kumbaga, "ini-rerecommend" or "pinapadrino" ka ng Province sa Federal Government. Gusto ka ng Province, pero kailangan payagan ka ng Federal Government (i-admit ka) into the country. Federal Government ang bubusisi sa admissibility ng applicant, Province ang bubusisi sa eligibility under ng PNP program. Kaya pag ipinasa mo na ang application mo sa CIO-Sydney, nasa Federal phase na ng application to become a PR ang papeles mo.
Read here: http://www.cic.gc.ca/english/immigrate/provincial/next_steps.asp
Summary ito ng mga steps at this phase upang malaman na walang dahilan na hindi ka maaring i-admit as a PR sa Canada. Hindi lang medical ang kailangan daanan mo, daraan ka rin sa security/criminality checks. Hindi rin formality na nominated ka ng Province, msasabi mo na swak ka na. Iba ang criteria ng admissibility, kaya ito ang kailangan mong malampasan.
Medyo me ilang buwan ka pa na hihintayin, so antabayanan mo ang mga susunod na instructions, email, or correspondence mula sa CIC ukol sa application mo.
.../atb