marso said:
Thank you for the reply. I have a UCI no. from my previous application in the Nominee program when my temporary work permit/visa was approved, is that the same with the Client ID? Wala pa po akong file from CIO kasi sabi nila di nila na process yung payment ko kaya binalik yung application package.
Ok, so since you have a TFW WP, then you should have a UCI number. This will likely be the UCI for your federal application, as me previous application on record ka na with CIC (the WP).
Nevertheless, treat the receipt as just a receipt for the payer of the fee nothing else. Similar ito when you purchase something, the receipt is given to the one who paid for the purchase. It is
not a form you have to fill up and submit as part of the application. First, it is a receipt for payment. Then you have to submit the receipt to CIC and inform them that this is proof of payment of the RPRF for your application, even if the name of the payer is not the applicant.
Previously, when online payment started, the receipt was blank, but there were no clear instructions what and how to fill up the receipt, only a statement showing name of payer. So most applicants filled the information with the applicant name, client ID etc. Unfortunately, this is a receipt, and it should be issued to who paid for the fee. Most applicants from other countries who do not have credit cards had their fees paid by a different person, a relative etc. But then filled their names in the blank sections of the receipt. So lately, binago na, the receipt already has the name of the payer, even if it is different sa applicant. Kung sino ang nagbayad (sino ang ma-charge ang credit card) - pangalan niya ang lalabas sa resibo.
Note na laganap ang paggamit ng credit card dito sa North America - yung makers ng form na yan mistakenly assumed that an applicant will have a credit card in their name na gagamitin sa pagbabayad ng fees. Kaya kung ang credit card ng applicant ang ginamit sa pagbabayad, siya din ang payer, at pwede nya ilagay ang DOB at ang Client ID nya sa resibo. Dito malinaw sa resibo pa lang, ang pangalan ng nagbayad ay sya ring pangalan ng applicant, at ang client ID ng nagbayad at applicant ay iisa. Hindi na kailangan pang mag lagay ng cover letter sa kasong ito, resibo lang ay ok na.
Kaso yung intent ng makers ng form is shortsighted, dahil hindi covered nyan ang ibang mga applicants na ibang tao ang nagbabayad ng fees nila. Which is true in this case - ibang tao ang nagbabayad ng fees mo. Sa kanya ipapangalan ang resibo dahil sya ang nagbayad, pero ang kabayaran ay para sa application fees mo. So iba ang pangalan ng payer sa resibo, at kung resibo lang ang pagbabatayan, kung UCI/Client ID mo (bilang applicant) ang inilagay mo dyan, hindi match ang pangalan sa client ID na nakasaad sa resibo. Pagmumulan pa ng kalituhan kung para saang application ba ang binabayaran - yung nakapangalan na na payer sa resibo, o yung me client ID?
Kaya pinakamabuting, lahat ng detalye diyan sa resibo ay ang detalye ng payer - sino ang nagbayad, kaninong credit card ang ginamit. Madalas ginagamit ang DOB bilang additional na verification ng credit card holder. Pwede mo na iwanan blank ang CID - lalabas lang na isa syang resibo lang.
Ngayon, me resibo ka, at alam mo - me nagbayad ng fees mo. Paano mo ipaalam sa CIC/CEM/VO na ang resibo ay patunay ng kabayaran ng fees ng application mo - eh iba ang nakapangalan na payer? Kaya ka gagawa ng cover letter, at ipaalam mo sa kanila na ang resibong kalakip ng letter ay patunay ang kabayaran sa RPRF under ng Client ID, UCI mo. Kahit na iba ang pangalan sa resibo, maliwanag na ang binayaran ay ang application fees mo. Ang makikita lamang ng CIC/CEM/VO ay:
- resibo - payment - payer name
- cover letter - applicant name, applicant CID/UCI
So kung kailangan nila mag-verify - unahin nila ang CID/UCI na makikita sa letter mo (mas madaling mag-check via UCI/Client ID) at makikitang me current application ka, at pending ang RPRF payment. So dun pa lang, malinaw na para saan ang payment.
Kung kailangan nila i-check ang payer kung me current application, well then, hahanapin nila ang pangalan (note hindi mo isinaad ang client ID ng payer - isang hint na hindi para sa application ng payer ang payment) - at makikita nila na walang current application ang payer.
So linked na ang resibo ng payment sa application mo. Bayad ka na. At sa pamamaraan na ito, itinuro mo sa sinumang VO ang mga detalye ng malinaw. At wala na rin kalituhan kung kailangan mo pang ilagay ang detalye mo (na hindi ikaw ang payer) sa resibo.
../atb