Hi all,
Finally may visa na kami!
It was delivered the day after my birthday. Thank you Lord!
Hiwalay yun RPRF and PPR dates namin. In Canadian dollars ako nagbayad, bank draft issued through BPI. Iniwasan ko yun issue related sa fluctuation rate kaya in Cad$. Wala naman naging prob. 3 weeks after I forwarded the payment, PPR na kami.
Back to our visa, may problema, wrong spelling yun name ng anak ko sa VISA and COPR..
Nakakadisappoint lng kasi final stage na nag'kaaberya pa and sa end pa nila yun nagkamali. Di ko maiwasang di mainis.. So ibabalik ko pa yun passport and COPR for correction yun kasi yun nakalagay sa attached mail nila. Sa mga naka'encounter din ng ganito ano po ginawa nio? Kaagad ba naayos yun issue? Gusto ko nga sana pumunta directly sa CEM sa Makati pra i'raise yung issue, pwede po kaya yun?
Additional questions po pala re COPR:
1. Sa "sponsor details" N/A po ba talaga nakalagay kahit na dineclair ko noon sa application ko na may kapatid ako sa Canada? Provincial nominee ang category ko.
2. Sa "dependant details" ng COPR ko naka'state dun yun name ng anak and husband ko as my dependants (ako yun principal applicant). Pero sa "dependant details" ng COPR ng anak and husband ko, name ko lang yun naka'state na "dependant". Question ko is sa COPR ng anak and husband ko tama po ba na ako lang kasi ako yun principal applicant? Hindi ba dapat pag sa COPR ni hubby, kami ng anak ko yun dependants; and pag sa COPR naman ng anak ko, kami ng asawa ko yun nakalagay sa dependant details.
Thanks po in advance!
Sorry andami ko questions..