Tumawag nga po ako kaso lang nanghingi ng SIN ng husband ko.
Kaya wala pa din akong nakuhang definite answer.
I've read po sa thread na to na pwede magsend na lang ng Certificate of Employment at
12 months pay stub. Kaya lang po wala pang 1 year nagwowork yung husband ko.
Sinubukan ko po tumawag sa call center ng CIC kaso walang sumasagot na agent.
Baka naman po meron sa inyo nasa similar situation namin.
Nagland po yung husband ko sa Canada last July 2010.
Bumalik lang sya last December for us to get married tapos bumalik
din sya March this year.
Gustong gusto na po namin magsubmit ng application, etong Option C printout na lang po
ang kulang sa checklist namin.