Hello! Sa Ever Commonwealth ako pumunta kasi malapit lang sa workplace ko. Mga 930 nako nakarating. 4 steps kasi pag-kuha ng clearance diba, payment, encoding, biometrics, tapos releasing/printing. Sa Ever Commonwealth, pag naka E-Clearance ka at may QR code ka, diretcho ka na sa pila ng biometrics. Madugo kasi yung pila sa simula, yung walk-in. Yung katabi kong kuya, number 70 daw sha, 4am sha pumila. Anyway, try mo mag E-Clearance kung gusto mo. Or, sabi ng asawa ko nung kumuha sila ng NBI clearance hapon na daw at wala halos pila. Good luck! Ttry ko naman sa NBI Main, E-Clearance ulit. Update ako kung ano mangyari bukas
Edited to add: Ito pala yung link para sa E-Clearance>> https://nbi-online.com/login